Success!!!

Matapos ang 69 na araw, 22 oras at 37 minuto, nakalabas na ang huling minero na na-trap sa isang minahan ng gold at copper sa Chile. Huling inilabas ng minahang ‘yon si Luis Urzua, 54 anyos, ang shift leader ng minahan ng mangyari ang trahedya. Sa loob ng 69 na araw na pagkakakulong sa loob ng minahan, ipinakita nya sa kanyang mga kasama ang kanyang pagiging leader. Sya ang tumulong sa kanyang mga kasama para maging kalmado at magbigay ng lakas ng loob. Hindi naman sya nabigo dahil matapos nga ang mahigit dalawang buwan na pagkakakulong sa nasabing minahan, matagumpay silang nakalabas.

Buong mundo ang nakatutok ang sa live coverage ng pag-rescue sa mga minero. Nagsimula ang retrieval operation sa mga minero kahapon ng madaling araw at matapos nga ang 22 oras at 37 minuto ay ligtas na nakalabas lahat ng 33 minerong na-trap sa minahan.

Pero bakit nga ba gumuho ang minahan at bakit ganun katagal ang rescue operation?

Natabunan ang lagusan ng minahan noong August 5, 2010. Nagpunta sila sa isang shelter, 2,200 feet below the surface ng minahan. Ang dahilan ng pagguho ay hindi pa rin alam pero sinasabing dahil hindi matibay ang mga suporta ng butas ng minahan. Simula 1885 ay nag-o-operate na ang nasabing minahan. Ilang beses na ding nagkaroon ng aksidente dito. Masyadong malaki ang butas ng minahan kaya daw hindi nakayang suportahan ng mga brace na inilagay.

Paano nga ba naka-survive ang mga minero sa loob ng 69 araw at bakit inabot ng ganun katagal bago sila nailabas?

Dalawang araw matapos gumuho ang nasabing minahan, nagsimula ang rescue operation. Nagbutas ang mga rescuer ng may 6 inches in diameter na butas para ma-locate ang mga suvivors. At nung August 22, makalipas ang may dalawang linggo, umabot ang butas sa mga minero. Nagsimula silang rasyonan ng pagkain, tubig at pati pang-ahit. Nagkaroon din ng communication sa mga rescuers at sa kanilang mga pamilya ang mga survivors sa pamamagitan ng butas na ‘yon. Nagsimulang planuhin ang pagbutas ng mas malaki para  mailabas ang mga survivors.

Dahil kailangang maging maingat ang mga rescuers sa pagbubutas upang maiwasan ang anumang pagguho ulit, sinabing maaring umabot ng hanggang apat na buwan bago mailabas lahat ng survivors. Marami din kasing mga factors silang inaasahan na maaaring magpatagal sa retrieval operation. Gaya ng pagkasira ng driller nila dahil sa tigas ng mga batong bubutasin. Pati ang pag-se-set-up ng capsule na tinawag nilang Phoenix ay matagal din ang inabot para siguraduhing hindi magkakaroon ng anumang aberya sa pag-rescue. At kahapon nga ay naging mas maaga ang pag-rescue kesa sa inaasahan nila.

Naging emotional ang may 2,000 katao na nasa site ng mailabas ang unang survivor. Kinabitan ng video cam ang capsule para ma-monitor ang mga survivors habang isa-isa silang inaakyat. Pinagsuot din sila ng shades para hindi mabigla ang kanilang mata sa liwanag ng araw at maging cool silang tingnan at magmukhang artistahin. Nakasuot din sila ng makapal na jacket para hindi mabigla ang kanilang katawan sa biglang pagbabago ng klima sa labas ng minahan.

May $22 million ang inabot na gastos sa nasabing rescue operation pero balewala lahat ‘yon dahil naging matagumpay ang operation. Lahat ng nasa site ay nagpapalakpakan at nagsasaya tuwing may inilalabas na survivor. Kahit ang ibang nanonood sa kanilang mga T.V. ay nakikipagsaya din. Ipinakita ng Chileans na nagkakaisa silang bansa. Nagpadala din ang Amerika ng mga eksperto sa pag-di-drill para makatulong upang mapabilis ang pag-rescue.

Sinasabing ang mga minerong ito ang pinakamatagal na naka-survive mula sa isang pagkaka-trap.

Sila rin ay itinuturing na inspirasyon sa buong mundo.

Tunay nga naman na dapat silang maging inspirasyon ng buong mundo…

Inspirasyon para magkaroon ng pag-asa ang bawat isa sa atin na habang may buhay ay may pag-asa…

Inspirasyon din sila ng pagtutulungan…

Pagkakaisa…

Pag-asa…

At pananampalataya…

Saludo ako sa katatagan ng mga minerong ito at kanilang mga pamilya at pati na rin sa mga rescuers na ginawa ang lahat para masiguradong ligtas lahat…

 

 

😀

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s