Bagong Simula

Noong panahon Kastila, may mga kapitan na ang mga barangay pero hindi ito pinagbobotohan. Ipinamamana lang ang posisyon o itinatalaga lang kung sino ang ma-tripan na maging kapitan. Nang umeksena ang mga bataan ni Tiyo Sam, ginawa nilang botohan ang pagpili ng mga barangay opisyals. May botohan na noon pero depende sa barangay kung kelan nila ma-tripan magbotohan. Siguro madalas magpa-house party ang mga gustong maging kapitan noon para pagkatapos ng party eh botohan na agad.

Ang kauna-unahang barangay election sa buong Pinas ay ginanap noong May 17, 1982 sa pamamagitan ng Batas Pambansa Blg. 222 o Barangay Elections Act of 1982. Sinasabi ng batas na ito na anim na taon ang term ng isang barangay opisyal at gaganapin ang botohan tuwing ika-2 Lunes ng May. Pero dahil sa cost cutting ng gobyerno at ibang batas na nag-amend sa BP Blg. 222, ilang beses nabago ang botohan ng barangay at umikli na rin ang term nila. Ngayon ay sa huling Lunes na ng October tuwing ika-3 taon gaganapin ang Barangay Election. Ngayon taon, sa October 25 ang eleksyon at ngayon araw ang simula ng pagpapasikat. May bagong style na ngayon sa pangangampanya. Tina-tag na ngayon ng mga pulitiko ang mga kabaranggay nila sa Facebook. Siguro makakakita ka nito ngayon sa account mo.

Siguro naging ispirasyon din ng “Showtime” ang mga pulitikong nagpapasikat lang tuwing eleksyon.

Mga pulitikong umaakyat sa entablado para sigawan ng: “Sampol! Sampol! Sampol!”. Sabay hagis ng mga -tshirt na manipis ang tela at may nakatatak na mukha nila.

Dati, gusto kong sumali sa mga nagpapasikat na mga ito. Gusto ko dating maging SK Chairman ng barangay namin dahil hindi pa ako pedeng maging Kapitan. Na-bad trip kasi ako sa SK namin nun dahil nagkaroon ng dayaan sa qualification ng mga players sa paliga ng basketball sa amin — natalo tuloy kami. Naiisip ko nun, pag naging SK Chairman ako, kukuha kami ng mga import galing sa NBA para sigurado na ang panalo namin. Pero naisip ko din na masama pala ang binabalak ko at mukhang wala namang boboto sa akin sa barangay namin dahil hindi ako nakikisalamuha sa kanila para makipag-apir at hindi ko rin sila binabati dahil artistahin ako. Naging “Best in Sportsmanship” naman ang team namin matapos ang liga.

Nung nasa college na ako, medyo naging tuwid na ang pag-iisip ko noon. Nagkaroon na ako ng kaunting prinsipyo kaya naisipan kong kumandidato bilang Kapitan pero hindi pa rin natuloy. Wala pa kasi akong 21 noon. Matanda na ako para sa SK Chairman at bata pa para sa Brgy. Captain. Sira na agad ang political career ko.

Minsan na din nagkaroon ng issue sa SK. Gusto ng ibang mambabatas noon na tanggalin na ang SK sa barangay dahil may committee na ang barangay para sa mga kabataan. Sinabi din nila na dahil masyado pang bata ang edad ng pede kumandidatong SK, wala pa itong sariling prinsipyo at pede pang masulsulan. At masyado pa daw bata para matutong mangurakot. Sinabi din ng iba na ang barangay daw ang training ground ng mga kurakot politiko.

Pero hindi rin ako naniniwala dito. Maaaring karamihan sa mga politiko eh kurakot — pero hindi lahat. Naging masama na lang ang tingin ng iba sa kanila dahil na rin sa ibang politiko. Maaaring ang ibang politiko eh makikita mo lang tuwing eleksyon pero hindi rin lahat. Hindi ako naniniwalang training ground ang barangay para sa may mga maitim na balak sa hinaharap sa mundo ng pulitika. Maari din ito ang maging simula para magkaroon sila ng pakialam sa kanilang mga kababayan at maging mabuting halimbawa sa iba at makatulong sa kapwa.

Sa pagpili natin ng mga iboboto para sa barangay, siguraduhin lang natin na makakatulong sila sa buong barangay hindi lang sa mga kakilala nila. Siguraduhin din natin na may magagawa silang mabuti para sa kanilang nasasakupan.

 

Sabi nga ni Kuya Kim:

“Maging mapanuri…

Mapagmatyag…

Matang Lawin!”…

 

😀

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s