Sosyal Neytworking

May Facebook account ka ba? Malamang meron. Konti na lang siguro ang walang Facebook account ngayon at sa mga darating na panahon eh siguradong dadami pa ang mga may account dito sa social networking site na ito. May 170+ active social networking sites sa mundo ng internet. Ilan na dito ang facebook, myspace, multiply, twitter at friendster.

Kung noon, ang sikat ay myspace at friendster, ngayon, ilan na lang siguro ang nagamit nito. Kahit ako, hindi ko na nabubuksan ang friendster account ko. Siguro dahil mas user-friendly ang facebook para sa akin at dahil din siguro may nilalaro ako dito ngayon.

Ayos din ang mga networking sites na ito. Dahil sa mga ito, pwede ulit kayong magkaron ng communication ng mga long lost friends and classmates mo. Maaalala mo ang kanilang mga birthdays at pwede mo ring sabihin kung ano ang status mo ngayon at kung ano ang tumatakbo sa utak mo. Pwede ka ring mag-share ng playlist mo, pictures, videos at kung anu-ano pa. Bahala ka na lang mag-isip kung ano ang gusto mo pang i-share. Pwede ka ring maglaro, mag-advertise at i-stalk ang crush mo.

Ayon sa ebizmba.com, as of October 5, 2010, una sa Top 15 Most Popular Social Netwroking site ang Facebook. Sinundan ito ng myspace, twitter, linkedin at ning. Hindi nakakapagtaka kung maging number one ang Facebook dahil mayroon itong 500 milyong users noong July 2010 at daang libo pa dumadagdag kada buwan.

Magaling talaga ang founder nito na Harvard drop out na si Mark Zuckerberg. Marami ring kaso ang hinarap nya bago mabuo ang social networking site na ginagamit natin ngayon. Pero dahil sa angkin nyang galing, sya ang nakakuha ng unang pwesto sa World’s Youngest Billionaire ng Forbes sa edad na 26 years old. Ika-212 sya World’s Billionaires dahil sa kanyang $4.0 B net worth — lamang lang si Henry Sy (#201)  ng Mall of Asia at Megamall sa kanya na may net worth na $4.2 B. Pero sa Forbes 400 Riches People in America, nasa ika-35 si Pareng Mark at si Ninong Henry naman ay nasa #1 spot ng Philippines’ 40 Richest.

Nagtataka ka siguro kung paano naging bilyonaryo itong si Pareng Mark. Nakita mo ba ‘yung mga ads sa side bar ng facebook account mo? Bawat click mo dun, nagbabayad ang advertiser kay Mark. At marami na din ang sumosyo sa kanya tulad ng Paypal kaya kung mapapansin mo eh may mga binibiling episode sa larong Family Feud at mga points sa Mafia Wars at Cartown sa Facebook. Biruin mo, pumindot ka pa lang sa advertisement nagbayad na agad ‘yung advertiser pero hindi pa sila nakita dahil hindi ka pa nabili sa kanila. Ganyan kalupit si Pareng Mark. Parang utak kriminal.

Mas maganda siguro kung magdevelop na lang din ng social networking sites ang mga kriminal kung gusto din nilang kumita — marangal pa.

Pwede siguro ang SigueSigueSputnik.net para sa domain nila. Pwede ring Commandos.org, BatangCityJail.com o AkyatBahay.com. Tapos pwede silang magpalagay ng mga advertisement sa side bar nila. Para sa mga hired killers ang mga ‘to o kaya sa mga kidnap-for-ransom group.

Abangan ko na lang kung sino ang mga magiging sunod na bilyonaryo dahil sa mga social networking sites na ito at kung sino ang unang magpapa-salvage sa akin.

😀

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s