Homecoming

Ngayong araw na ito ang 62nd Foundation Day ng school ko noong highschool. Maraming activities kapag ganitong panahon sa school namin — noon. Hindi ko na alam ngayon dahil hindi na ulit ako naliligaw doon kahit malapit lang din.

Hindi mawawala dyan ang dawn procession na isa sa mga highlights ng foundation day. Dati, meron pang Alumni Homecoming at Gala Night. Meron ding mga rides dati sa school grounds at booth ang bawat org sa school. May exhibition game din ang mga basketball varsity ng bawat batch.

Isa sa naging experience ko dati sa dawn procession eh nung pina-attend ko ‘yung dati kong nililigawan. Dahil medyo bata pa ako nun, naiisip ko na makakadiskarte ako ng maganda kung magkasama kami sa dawn procession. Pinapunta ko ‘yung isa kong kabarkada na kapitbahay nung nililigawan ko. Pinasabi ko na magkikita kami ng 4 a.m. sa school para sa dawn procession. Ayos na sana dahil pumayag ‘yung nililigawan ko na um-attend ang problema, kinabukasan pa pala ang prusisyon. Masyado ata akong excited nun kaya napaaga din ang araw ko. Dahil masyado ng gabi, hindi ko na nabawi ang imbitasyon. Dumating ang nililigawan ko ng alas-4 ng madaling araw pero walang prosisyon — ako, alas-7 ng umaga. Bumawi ako. Gumawa pa din ako ng paraan para hindi ako mabokya. Kinahapunan, napasagot ko sya at nung kaarawan ng prosisyon — hindi ako naka-attend (PAUNAWA: Hindi ko po ginamit ang prosisyon para sa personal na interes).

Matapos ang isang taon nung maka-graduate kami ng highschool, nagkaroon ng Alumni Homecoming. Foundation Day ulit noon. Nagkayayaan kaming magbabarkada na um-attend. Dahil halos lahat kami ay varsity ng basketball nung batch namin, alam na naming mapapalaban kami. Ayos dahil madaming naunang batch ng varsity ang um-attend siguradong panalo kami pagnakalaban namin sila dahil mukhang hindi na sila nakakapaglaro. Anak ng tupa! Inilaban kami sa bagong batch ng varsity. Ilang takbuhan pa lang naghihingalo na kami ng mga kasapi ko dahil hindi na rin kami masyadong nakakapaglaro. Nag backfire ang theory namin at nasapul kami. Pagkatapos ng laro, idinaan na lang namin sa inuman ang sakit ng katawan namin at pagkatalo.

Sa apat na taon ko sa school kong ‘yon nung highschool, laging makulay at masaya ang bawat foundation day namin. Minsan kami na din ang gumagawa ng paraan para magin memorable ‘yun para sa amin.

Nakaka-miss ang highschool. Ang mga teachers, classmates, batchmates. Mga kalokohan, asaran, mga away at mga kaibigan. Noon ko lang naisip na tunay nga ang sinasabi nila na masaya talaga ang highschool life. Dito mo makikita ang paghahati ng pagkatao mo. Mula sa pagiging bata nung elementary hanggang sa unti-unti kang magkaroon ng kamalayan papuntang college. Dito mo rin makikilala ang mga kaibigan mong masusubukan hanggang sa huli ang inyong pagsasama. Sa highschool mo makikita ang mga dapat eh ginawa mo nung elementary ka at dapat mong gawin pagdating ng college. Dito unang susubukan ang tatag mo bilang tao bilang paghahanda sa mga mas mabigat pang pagsubok pagdating ng college at sa hinaharap. Dito ka unang makakaranas ng isnpirasyon sa buhay. Dito mo unang makikilala ang pagkatao mo.

‘Yan ang highschool…

Pagkatapos mo ng highschool, lagi mong aabangan kung kailan ulit kayo magkakaroon ng homecoming…

šŸ˜€

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s