Narinig mo na ba ang latest?!

Pagkatapos ng 100 days at byahe ni Pareng Noynoy sa Tate, isang mainit na isyu naman ngayon ang paghihiwalay nila ni Valenzuela City Councilor Shalani Soledad.

Ayon sa tsismis, naghiwalay daw sila nung bumalik si Noynoy sa Pinas pagkatapos ng byahe nya sa Tate. Nakita raw si Noynoy na may “hot chick” na date sa isang restaurant sa Makati nung nakaraan. Pero napahaging daw si Noynoy na “basted” daw sya sa nasabing chick dahil ayaw daw nitong maging public figure. Sinabi pa nya na sana daw ay ibigay na sa kanyang ang kaunting privacy tungkol sa kanyang lovelife at maging si Shalani ay naging mailap din sa mga interview tungkol sa relasyon nila ni Pare.

Tama nga naman siguro na pabayaan na sila sa kanilang personal na buhay. Kung hindi naman ito nakakaapekto sa kanilang trabaho bilang mga public serrvants, hindi naman dapat sila pakialaman tungkol dito.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit kailangan pang usisain kung sino ba talaga ang naging date ni Pnoy sa Makati. At kung bakit pa kailangang malaman pa kung hiwalay o bakit naghiwalay ang mag-jowang ito.

Ano ba ang mangyayari sa ekonomiya natin kung malaman natin ang katotohanan tungkol sa kanilang relasyon? Mababawasan ba ang naghihirap sa bansa? Mawawala ba ang korapsyon? Magkakaroon ba ng kapayapaan sa Mindanao? Malulutas ba ang mga problema ng bansa?

Hindi na siguro dapat inuusisa pa ang mga personal nilang buhay dahil wala naman itong magagawang mabuti para sa bayan. Sa tingin ko eh lalo lang ito makakaapekto sa trabaho nila dahil sa halip na makapag-focus sila sa kanilang trabaho at makapaglingkod ng maayos sa bayan, maaalala lang nila ang kanilang “nawalang relasyon” at hindi sila mahihirapan silang makapag-move on —- kung tunay man ang tsismis.

Sabi nga ni Noynoy kahapon matapos nyang i-present ang report ng IIRC tungkol sa nakaraang hostage taking, hindi na raw importante ang isyung ‘yun sa personal nyang buhay dahil ang importanta daw eh ang isyu ng bansa.

Pero kung talagang gusto nyong malaman kung sino ang naging date nya sa Makati, ito ang picture nya. Pero palagay ko lang ‘yan dahil wala naman ako nung nagdate sila. Ito ang picture ni Shalani. Bahala na kayo kung bakit sa tingin nyo eh nasabi kong ‘yung isa ang naging ka-date nya.

 

😀

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s