Cigar Guy

Noong isang linggo, umikot sa mundo ng internet ang mukha ng isang bumbay na may tangay na yosi sa kanyang bibig habang nanonood ng Ryder Cup. Una syang lumabas dahil sa kakaibang kuha ng isang photographer sa tira ni Tiger Woods.

Maganda ang kuha ng picture dahil nakuhanan ‘yun ng photographer habang nasa ere ang bola at saktong tumama sa lens nya. Inamin ni Tiger Woods na kasalanan nya din dahil mali ang kanyang posisyon.

Doon unang nakita si “Cigar Guy” na naging instant celebrity dahil madami ang nag-photoshop sa kanyang mukha at idinikit kung saan-saang katawan. Nakakaaliw din. At pagkatapos nga nang isang linggo eh nakilala na sya.

Si Rupesh Shingadia, isang 30-year old investment analyst at nakatira sa South London kasama ang kanyang mga magulang. Ang kanyang “turban” ay isa palang pony-tailed wig at ang kanyang bigote eh peke. Ginaya nya lang daw si Miguel Angel Jimenez bilang pagsuporta sa European Team.

Kung hindi mo pa nakikita ang sinasabi ko sa’yo, eto, bahala ka na.

ito ang "once in a lifetime shot"...





Hanapin mo kung sino dyan si "Cigar Guy"...






Pati sa history eh umeksena din sya...

😀
Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s