Tino ang dapat titihin?

Kahapon, nagdeliver si Pareng Noynoy ng kanyang report matapos ang unang 100 days nya bilang presidente ng Pinas. Malaman ang kanyang report sa kanyang mga “boss”. Gaya nung una nyang SONA, tagalog pa rin ang salitang ginamit nya sa kanyang pag-re-report. At gaya din ng unang rason, dahil mga Pinoy ang kanyang “boss” at gusto nyang mas maintindihan ang kanyang mga pinagyayabang.

Sa kalagitnaan ng programa, may umeksenang ilang estudyante. Bigla silang tumayo at nagsisigaw habang may hawak na short bond paper size na plakard. Sinasabi nilang kinaltasan ni Pareng Noynoy ang budget ng edukasyon. Natigilan man si Pareng Noynoy, cool lang sya na nakinig sa mga sinasabi ng mga estudyante. Matapos makapagpahayag ng saloobin ang mga estudyante, in-escort-an sila ng PSG palabas ng auditorium ng La Consolacion College sa Maynila. Sinagot pa rin ni Pareng Noynoy ang isyu ng mga estudyanteng ito. Sinabi nya na itinaas nila ang budget para sa edukasyon.

Naisip ko tuloy kung ano ang naging basehan ng mga estudyanteng ito kung bakit nila nasabing binawasan ng administrasyon ang budget sa edukasyon. Partikular daw sa mga state colleges at universities. Hindi ko alam kung sino ang nagbulong sa kanila ng isyung ‘yun. Hindi siguro sila nakikinig sa report ni Pareng Noynoy.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit, kahit sino ang nakaupong presidente, laging may reklamo. Laging may batikos, panunumbat at protesta. Laging may nagra-rally tungkol sa kanilang mga hinaing sa gobyerno. Laging may nagpoprotesta laban sa nanunungkulan. Laging may sumisigaw ng pakikibaka at pagbabago. Kulang na lang ay sila ang magpatakbo ng gobyerno.

May nabasa ako dati pero hindi ko na matandaan kung sa vandal ba sa upuan ng bus o sa lamesa sa isang food court ko nakita. Ang nakasulat: “Bakit ang mga “presidente” ay ang mga wala sa pwesto?”. Parang mga miron sa naglalaro ng chess ang taong bumabatikos. Laging sinasabi kung ano ang dapat itira pero kapag sila na ang naglalaro eh, hindi din magawa ang tamang tira. Laging sinasabi ng mga kritiko ang mga dapat sanang ginawa at ginagawa ng gobyerno. Husto lang sila sa sabi pero wala silang magawa para sa sarili.

Walang problema kung ang binabanatan nila eh ‘yung ibang pulitiko na walang ibang ginawa kundi mamulitika. Lahat ng dapat idinadaan sa kilos eh sa salita lang ginagawa. Walang ginagawang aksyon para masolusyunan ang mga hinaing nila sa buhay.

Ang hindi ko rin maintindihan eh wala yatang nagmartsa sa EDSA para sa magpasalamat sa gobyerno. Walang nagrally o nag-hunger strike sa may Plaza Miranda para ipagpasalamat ang mga nagawang mabuti ng gobyerno. Kahit maliit magandang bagay na nagawa ng gobyerno para sa kanyang mamamayan ay wala man lang nakapansin na dapat ding ipagpasalamat.

May magsasabi na bakit dapat magpasalamat ng mamamayan sa gobyerno eh tungkulin nila ang maglingkod sa bayan, magpagawa ng proyekto at alagaan ang mga Pinoy? Bakit dapat magpasalamat ang mamamayan ng Pinas eh nagbabayad naman sila ng buwis? Kung ano ang ginagastos ng gobyerno para sa bansa eh galing din sa mga mamamayan.

TAMA!

Galing sa buwis na ibinabayad natin ang kanilang ginagastos at sapat na ‘yun para magpasalamat tayo sa gobyerno. Magpasalamat tayo para sa mga daan na ipinagawa nila. Magpasalamat tayo para sa mga bagong classroom na ipinagawa ng pamahalaan para sa mga estudyante. Magpasalamat tayo na kahit papaano eh may nagagawa ang gobyerno natin para sa atin. Magpasalamat tayo na nung nagpunta si Pareng Noynoy sa Tate eh sa isang hotdog stand lang nya inilibre ang mga barakda nya gamit ang pera natin na ipinabaon sa kanila. Magpasalamat tayo na napupunta sa maganda ang pinagpupuyatan at pinaghihirapan nating pera sa trabaho para ibigay sa gobyerno bilang buwis. Magpasalamat tayo sa mga simpleng nagagawa ng gobyerno para sa atin.

May magsasabi din na bilang pasasalamat natin, iboboto natin sila sa susunod na eleksyon.

KALOKAHAN!

Itutulak natin sa entablado ang mga payasong ito bilang pasasalamat natin pero tayo din ang unang babato ng kamatis kapag hindi natin nagustuhan ang kanilang palabas.

Mabalik tayo sa isyu ng mga estudyante. Sinabi nila na babawasan daw ng administrasyon ang budget sa edukasyon (dito ko na basa). At dahil daw dun ay hindi na makakapag-aral ang mahihirap sa mga state colleges at universities. Sa palagay ko, hindi rin malaking dahilan ang pagbabawas ng budget para hindi makapag-aral ang mga mahihirap na estudyante.

Ilan taon lang ang nakakalipas nung nakatapos ako ng highschool. Sumubok akong mag-entrance exam sa isang state university. Pero bago pa ‘yun, madalas din akong makapunta dun dahil sa dalawa kong pinsan na nag-aaral dun. Napansin ko na bukod sa ilang taxi at mga pampasaherong jeep na umiikot sa loob ng campus, may mga magagandang modelo rin ng mga kotse sa loob ng campus. ‘Yung iba eh mga mukhang propesyonal ang mga sakay. ‘Yung iba naman eh mga mukhang estudyante.

Naisip ko na isang pampublikong unibesidad ‘yun. May budget na inilalaan ang gobyerno para sa mga may utak pero kapos sa pinansyal na mga estudyante. Pero bakit may mga estudyante na mukha namang may utak at mukhang kayang mag-aral sa mga mamahaling unibesidad na napasok dun?

Hindi siguro malaking isyu ang pagbawas ng budget sa edukasyon. Sa palagay ko eh mas malaking isyu ang pamantayan sa pagtanggap ng mga estudyante sa mga pampublikong kolehiyo at unibesidad. Dahil ang ibang estudaynte na mukhang kaya namang pag-aralin sa mamahaling eskwelahan eh nakukuha ang pwesto para sa mga kapos sa pinansyal na estudyante.

Hindi rin masyadong malaking isyu ang pagbabawas ng budget. Dahil kahit gaano man kalaki ang budget na ilaan para sa isang ahensya o departamento pero kurakot ang namumuno, wala rin. Mas malaki lang ang makukurakot nila.

Kumilos tayo para sa sarili natin. Hindi dapat puro reklamo.

“Ang problema ng bansa ay hindi militarismo, hindi komunismo, hindi kapitalismo —- TAYO MISMO!”

— Leo Martinez/Actor

Report ni Pnoy dito
Advertisements

One thought on “Tino ang dapat titihin?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s