Parang Book Review

May nabasa akong isang nakakatuwang libro nung nasa college pa ako. Habang naglalakwatsa nagpapalipas ng oras sa isang mall malapit sa school namin (mahaba kasi vacant ko nu’n at wala akong assignment na dapat gawin), napadaan ako sa isang bookstore. Habang tumitingin ng libro tungkol sa paghahalaman at paghahayupan, may napansin akong isang maliit na libro.

Catchy ‘yung cover nya tsaka ‘yung font. Ayos ang concept. ‘Yun na lang ang binili ko dahil mas mura kesa sa mga libro tungkol sa paghahayupan at paghahalaman. Tsaka tingin ko eh mas infomative din ‘yun.

Pag-uwi ko sa bahay pagkatapos ng klase ko, binuksan ko agad ang bago kong libro. Bawat kaliit-liitang salita eh binasa ko. Hindi nasayang ang pera ko sa librong ‘yun. Very imformative nga.

(Pagkatapos ng mahaba kong intro, eto na ‘yung tungkol sa binili kong libro.)

Tungkol sa buhay estudyante ng isang tao. Sakto ang tema dahil estudyante pa lang din ako nung binili ko ‘yun. Lahat ng adventures nya mula elementary hanggang college hanggang sa magtrabaho sya hanggang sa dumating sya sa pagsusulat ng librong ‘yun, ikinuwento nya. Ayos. Very entertaining at the same time eh infomative. Hindi ko tinigilan ang pagbabasa hangga’t hindi ko natatapos ‘yung libro. Solb ako pagkatapos. Simula noon, lagi kong inaabangan ang mga libro nyang ilalabas.

The End.

Pagkatapos ng ilang taon at mabili ang iba nya pang mga libro, binasa ko ulit ‘yung una nyang libro na ‘yun. Tsaka ko lang napansin na parang pababa ang kwento nya. Napansin ko na masaya ang elementary life nya. Enjoy ang highschool. Pero medyo dark ang dating ng college. May mga binanggit syang dahilan kung bakit ganun ang college life nya pero hindi malinaw. Overall Rating? Asteeeg!

Na-inspire ako sa libro nyang ‘yun dahil may pagkakapareho kami ng buhay elmentary (pero hindi kami magka-batch. mas matanda sya sa akin.) Tingin ko eh mas ayos ang highschool life ko. At panalo ang buhay kolehiyo ko.

Na-inspire ako sa libro nya na tungkol sa buhay estudyante nya dahil tingin ko pwede rin maka-inspire ang buhay estudyante ko —- kahit hindi sinasadya. Nakakatuwa dahil kahit hindi nya sinadsya eh maaaring may mabagong estudyante dahil sa libro nya ‘yun.

Hindi ko masabi kung magkukwento din ako tungkol sa buhay estudyante ko. Pero malamang sa hindi eh magkukwento din ako. Kung ‘yun ang tumatakbo sa utak ko eh. Bahala ka na kung may mapupulot ka. Ang mahalaga lang naman eh ‘yung importante.

Siguro nabasa mo na din ‘yung librong sinasabi ko at ‘yung iba nya pang mga libro. Pero kung hindi pa, i-di-describe ko sa’yo ang hitsura.

Manipis na libro na kulay green at may lining na itim sa tabihan. Tapos may nakasulat sa unahan na:  ABNKKBSNPLAko?! mga kwentong chalk ni Bob Ong. Kung hindi mo pa rin ma-picture out ang picture ito ang cover nya:

Kung gusto mo ng kopya, available pa ‘yan sa mga bookstores nationwide!

😀

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s