May Tanong Ako

Hindi ko maintindihan kung bakit:

  • kapag sumakay ka ng jeep at nagbayad ng isang benteng buo, itatanong pa kung ilan ‘yon? Hindi ba sila marunong magbilang?
  • kapag nagtatanong ka, minsan sinasagot din ng tanong? Wala ba silang alam na sagot?
  • ang bilog na pizza eh sa square na box inilalagay, samantalang ang square na pizza naman eh hindi sa bilog na box inilalagay? Nag-ko-cost cutting?
  • may tinatawag na matigas na ubo? Meron nga kayang malambot na ubo?
  • sinasabihan ka minsan na matigas ang apog mo, kahit hindi ka naman nagtitinda nu’n? Hindi ba sila makapagreklamo sa iba?
  • kapag sakay ka nang pampasaherong sasakyan at pumara ka, tatanungin ka pa ulit kung bababa ka? Alangan namang sumakay ka ulit o bingi lang sila?
  • kapag bumibili ka sa karendirya, ang tanong eh: “kain o balot”? Kapag ba ipinabalot mo eh hindi na pwedeng kainin?
  • kapag umutot ka, sasabihin pa ng nakaamoy na ang baho? Naka-amoy na kaya sila ng mabangong utot?
  • may tinatawag na “aakyat ng ligaw”? May pababa din ba na ligaw?
  • ang iba, sinasabi, “napuyat ako kagabi”? Pwede ka rin kayang mapuyat sa umaga?

😀

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s