NNK

Naalala nya kaya ang mga gabi naming magkasama? Habang naglalakad sa ilalim ng liwanag ng buwan habang kami ay nagkukwentuhan. Walang tiyak na pupuntahan pero tuloy lang sa paglakad. Hindi napapansin ang mga dumadaang sasakyan dahil kapwa nalilibang.

Naalala nya kaya ang mga sandaling magkatabi sa ilalim ng isang payong habang umuulan? Hindi alintana ang pagbuhos ng malakas na ulan at ang ihip ng malakas na hangin. Nalilibang habang pinagmamasdan ang mga taong nagtatakbuhan dahil sa ulan. Tinatawanan ang nababasa ng mga dumadaang sasakyan.

Naalala nya kaya nung minsang mamasyal sa kung saan? Nanood ng hindi maintindihang palabas. Naglakad-lakad, umupo at nagrelax. At nang matapos na ang araw, nagkayayaan na pauwi. Habang naglalakad, tinananong mo kung nag-enjoy sya. Sumagot sya: “Oo naman, kasi kasama kita…

😀

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s