Mga bagay na gumugulo sa isip ko

May mga bagay na gumugulo sa isip ng bawat tao. May mga tanong tayo na minsan eh parang ang hirap sagutin pero sa bandang huli, tayo na din ang susuko at magbibigay kasagutan sa sarili natin. Mga bagay na para lang matahimik ang sarili natin eh tayo na mismo ang umaayaw na hanapan ng matinong kasagutan. Pero marami pa ring mga tanong na akala natin eh simple lang pero mahirap pa ring sagutin. Bigla ka na lang mapapasagot sa sarili mo nang: “Oo nga noh?! Bakit nga kaya?”.

‘Eto isipin mo, bakit kung alin ang wala eh ‘yun ang hinanahanap? Bakit kita mo nang wala eh hahanapin mo pa rin? Simple lang ang sagot dun, kasi nga wala. Malamang kung meron o andyan yan eh hindi mo na hahanapin o itatanong nasaan. Naranasan mo na ba na may ipahanap sa’yo tapos itatanong mo kung saan mo hahanapin? Ang sagot din lang sa’yo e kaya nga pinapahanap eh kasi hindi alam kung nasaan. Tapos iikot lang kayo sa ganung usapan. Paikot-ikot hanggang sa magkasawaan.

Minsan naiisip ko din, bakit kung alin ang kakaunti na ‘yun pang ang masarap? “yung tipong nabibitin ka. Halimbawa, sa pagkain, may isang putahe ng ulam na masarap kapag isang platito lang ang nakahain. Pero kung isang talyase ang nasa harap mo, parang ayaw mong kainin.

Napansin mo rin ba minsan na alam mo kung may pera ang isang tao? Halimbawa, binigyan sya ng bonus sa trabaho pero hindi nya sinabi sa’yo. Malalaman mo rin kasi kung anu-ano ang binibili nya. Isang bagay na karaniwan na sa atin.

Mga bagay na gumugulo sa isip ko…

Pero minsan lang….

😀

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s