Sabi ni Lola

Nung elementary ako, madalas akong tumatakas ng bahay kapag ayokong matulog sa tanghali. Laging sinasabi ng lola ko noon na huwag daw akong maglalabas kapag tanghali dahil baka kuhanin daw ako ng mamang may sako o “manunupot”. Nangunguha daw ng bata ‘yun tapos ilalagay sa dalang sako. Papatayin ang biktima at ididilig sa mga ginagawang tulay ang dugo. Hindi ko alam kung tunay nga ‘yun pero hindi pa naman ako nakukuha ng manunupot — kahit manunuli (gets mo? corny noh?!).

Madalas din akong abutin ng gabi sa paglalaro sa kalye ng subdivision namin. Lagi namang sinasabi ng lola na pumasok na daw ako pag dating ng alas-6 ng hapon dahil oras na daw ng mga lamang-lupa ‘yun para maglaro. Baka daw makayapak ako eh parusahan ako. Pero naglalaro pa rin kami ng taguan sa kalye ng subdivision namin lalo na kapag gabi na kabilugan ng buwan. Wala naman kaming natatapakan na lamang-lupa pero ‘yung mga lamang-tiyan ng mga asong gala sa amin ang madalas naming mayapakan.

Kapag hindi ako kumakain ng hapunan dati, sinasabihan ako ng lola na dapat daw eh kumakain ako dahil kapag natulog dwa ako ng walang laman ang tiyan ko, aalis daw ang kaluluwa ko sa katawang lupa ko para maghanap ng pagkain. Kapag hindi daw nakabalik ulit ang kaluluwa ko sa katawan ko bago mag-umaga, hindi na daw ako magigising. Pero sigurado ako na totoo man ‘to, siguradong makakabalik agad ang kaluluwa ko kasi laging may natataklubang pagkain sa mesa namin. Kung panis man ang makain ng kaluluwa ko, ayos lang, sya naman ang magtatae hindi ako.

Hindi ko alam kung sino ang nagturo sa lola ko ng mga ganitong banat. Siguro sinasabi din sa kanya dati ‘to kaya pinapasa sa akin. Hindi ko rin alam kung saan nila nakuha ang theory na ito. Pero sigurado akong may bago ka ng panakot ngayon kung ngayon mo lang nalaman ang mga banat na ganito.

😀

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s