KABalikTAAn

Sabi nila, one sign of aging ang pagkukumpara ng panahon mo sa panahon ng mga kausap mo. Another sign of aging din daw ang pag-re-reminisce mo sa’yong nakaraan lalo na nung kabataan mo. Pero hindi mo rin maitatanggi na masarap din pag-usapan minsan ang mga nakaraan mo nung kabataan mo lalo na kung masaya pero pwede na din minsan kahit hindi.

Kung makakabasa ka ng isang kwento tungkol sa kabataan ng isang tao, hindi mo maiiwasang ikumpara ang naranasan nya sa naranasan o nararanasan mo. Kung sa tingin mo naman eh pareho lang kayo nang naranasan, malamang ka-batch mo ‘yan. Kahit minsan ikaw sa sarili mo, mag-isa ka lang, nagyoyosi habang nagkakape sa may garden nyo. Nakatingin ka sa mga halaman na may mga nagliliparang mga butterflies tapos bigla mong maaalala ang mga laro nyo dati ng mga kababata mo. Mga kwentuhan nyo nung mga kaibigan mo. Mga panliligaw mo o mga nanliligaw sa’yo. Minsan may kirot at sakit pero siguradong hindi mawawala ang mga ngiti mo pagnaalala mo ang mga pagkakataong ‘yon.

Minsan kung may kausap ka at mapapagusapan nyo ulit ang kabataan nyo, hindi nyo maiwasang magtanong sa isa’t-isa kung bakit nga kaya ganun nung kabataan nyo. Minsan itatanong mo pa sa kausap mo kung naranasan nya din ang naransan mo. Comparing and contrasting. Alam ko naranasan mo na rin ito gaya ng nararansan ko ngayon. Alam kong mararanasan pa ulit natin ito sa mga darating pang panahon.

Pero hindi ibig sabihin nito eh tumatanda na tayo. Mature na lang tayo ngayon dahil natatawa na tayo sa mga kalokohan natin dati. Kaya na nating tawanan kung may hindi katawa-tawa sa nakaraan. Hindi tayo tumatanda —- nagma-mature lang.

Sigurado ako mamaya lang. Pag may naalala ka sa nakaraan mo, bigla kang mapapatitig sa kawalan at biglang mapapangiti. Gusto mong pigilin pero hindi mo magawa. Mapapa-iling ka pero nakangiti ka pa rin.

Ayos lang ‘yun…

Masaya ka naman eh…

Aging is all in the mind…

Pero bakit may mga isip-bata pa rin?

😀

Advertisements

2 thoughts on “KABalikTAAn

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s