Mader Payker

Nakasalubong ko sa facebook kamakailan ang isang kong kaibigan. Matagal na kaming hindi nagkikita dahil nasa ibang bansa sya. Magkasama kami dati sa trabaho. Naalala ko pa nung magkasama pa kami, madali syang mapatawa. Titingnan ko lang sya eh tatawa na ‘yun. Hindi ko alam kung kikilig sya kaya sya natatawa tuwing tinitingnan ko sya o talagang nakakatawa lang ang mukha ko. Lagi ko syang kabiruan tuwing magkakasama kami. Parang hindi na nga kami nagtatrabaho kakatawa at kakakwentuhan. Sinasabihan nya din ako ng mga personal na problema nya at ako din naman ay ganun sa kanya.

Isang buwan na ang nakakalipas nung umalis sya ng bansa. Gusto ko syang pigilan pero sabi nya nga sa akin eh alam ko naman daw ang dahilan kung bakit nya gagawin ‘yun —– gusto nyang sumakay ng eroplano. Nung mga unang araw nya dun, nagkakasalubong pa kami sa facebook. Kamustahan, palakasan ng loob at balitaan. Sinasabi nya pa din sa akin ang mga problema sa mga kasama nya dun —- para pa rin kaming magkasama kung magkwentuhan. Hanggang sa naging busy na sya sa work nya dun at nag-enjoy na din. Ayos lang kasi ‘yun din ang payo ko sa kanya para hindi sya masyadong ma-home sick, libangin nya ang sarili nya dun.

Hanggang sa magkasalubong nga ulit kami sa facebook. Namimiss nya na daw ako dahil wala daw nakakapagpatawa sa kanya dun tulad nung pagpapatawa ko sa kanya dito sa Pinas. Wala daw syang kakwentuhan dun tulad nung kwentuhan namin dito. Sabi ko nga eh malamang. Dahil andun sya at andito ako. Nagrequest sya sa akin. Kung pwede daw akong bumanat ng nakakatawa kahit isa lang daw.

Natigilan ako.

Ako?!

Magpapatawa?!

Ano ako?!

 Clown?!

Nasa comedy bar ba sya para magrequest?!

Ako ang natawa sa hirit nya. Sabi ko hindi ko na kailangan bumanat ng nakakatawa dahil banat pa lang nya eh nakakatawa na. Peor hindi sya nakuntento. Humrit pa ulit. Seryoso daw sya. Gusto nya daw bumanat ako ng nakakatawa. Kahit daw bastos.

Tumigil ang paligid ko ng mabasa ko ang mga salitang ‘yun.

Ako?!

Babanat ng bastos?!

Ano ‘yun?!

Xerex?!

Pero hindi pa rin ako nakabanat dahil hindi naman ako marunong magpatawa at higit sa lahat hindi ako bastos. Kung hindi ka naniniwala, bahala ka. Basta huwag mo na lang itanong sa mga kaibigan ko dahil baka maniwala ka sa kanila.

Natapos din ang kwentuhan naming ‘yun ng hindi ako nagbibitiw ng nakakatawa at bastos na salita.

Nagpaalaman kami na para lang kaming maghihiwalay ng sakayan pauwi. Para pa rin kaming magkasama dito sa Pinas. Para pa ring katulad ng dati.

Miss na din kita Mader…

Alam mo naman ang number ko, hindi pa ako nagpapalit…

Mag-iingat ka dyan lagi…

At laging magbabait….

😀

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s