Bilib’id’or’not

Naitanong sa akin ni labopmylayp kamakailan kung tunay daw ‘yung mga email sender natin dito sa tambayan. Sinabi ko ang totoo —- may nagpapadala talaga nung mga email na nababasa nyo dito. Tulad nang isa nating email sender ngayon. Ito ang kanyang sabi, ma-i-share ko lang sa’yo:

dear kuya mao,

napadaan ako sa tambayan mo minsan. may kwela yung iba mong mga post dun pati na yung iba mong kwento. tas may nakita akong parang isang advertisment na pwede magpadala dun sa email mo. gusto ko lang sanang itanong kung meron na ba talagang nagpadala dun o gawa-gawa mo lang yung mga email na kunwari ay ipinadala sayo? wala naman akong masamang intensyon gusto ko lang naman malaman.

lubos na gumagalang,

h3icthor

Salamat sa pagaabala mo at pakikipagtambayan h3icthor. Hindi ko alam kung dapat ko pang sagutin ang tanong mo kasi parang ikaw na din ang sumagot. Pero dahil wala naman akong masyadong ginagawa ngayon, sasagutin ko na din yan. Tulad ng sabi ko kanina, sa totoo lang —- meron talagang nagpapadala ng email dito. Masyado akong mahihirapan kung mag-gagawa pa ako ng kunwari ay nagpadala ng sulat dito tapos ako din ang sasagot. Para naman akong mukhang tanga nu’n.

Sa ngalan ng pakikipagkwentuhan, naglagay ako ng email ad na pwedeng padalhan ng mga tambayers natin dito o kahit sinong mapadaan kung meron silang gustong marinig na kwento tungkol sa akin o may mga tanong sila na gusto nilang bigyan ng kasagutan. Para din magkaroon tayo ng interaction dito. Hindi ito one man show. Ang mga tambayers natin ang nagpapatakbo ng tambayang ito. Kung walang tambay at walang makikipagwentuhan, walang tambayan.

Siguro naman eh nasagot ko na ang tanong mo. Ayos lang naman ang tanong mo eh. Walang masama dahil may gusto ka lang malaman. Kung meron ka pang ibang katanungan, padala ka lang ng email. Salamat ulit at lagi kang welcome sa tambayan natin.

Ang iyong kwentutero,

Kuya Mao

Kung may tanong ka tungkol sa kahit anong bagay o may kwento kang gustong marinig, magsend ka lang ng email sa dearkuyamao@gmail.com. Gagawan natin ng paraan para ikaw ay maaliw. Hihintayin ko ang email mo! 😀

P.S.

Tumatanggap din tayo ng mga kwento tungkol sa kahit saang bagay. Send nyo lang sa dearkuyamao@gmail.com. Sinisigurado ko ang ’yong privacy kung ‘yun ang gusto mo, huwag lang kalimutan maglagay ng screen name para sa proper credit at para sumikat ng konti.

(Tumatanggap din tayo ng love letters at death threats)

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s