Sa isang tahimik na pamamaalam

Sa paglayo ni Krystine sa punong iyon nagwakas ang lahat. Sa bawat hakbang niya papalayo sa punong iyon, naaalala nya ang bawat sandali ng kanilang kahapon. Bawat lungkot at pait, luha at sakit, saya at tawanan, mga masasayang alaala ng kanilang pinagsamahan. Mga pangakong kanilang binitawan sa isa’t-isa. Hanggang sa huli sila ang magsasama. Ngunit sa paglayo nya, lahat iyon ay nawala na.

Matagal ng pangarap ni Richard na makasama habang buhay si Krystine. Lahat ay kanyang gagawin para matupad iyon. Nagsikap sya para mapaunlad ang sarili at maibigay ang mga pangangailangan ni Krystine. Nagtapos sya ng pagaaral. Umalis sya sa kanilang baryo para makahanap ng magandang trabaho. Sa pagalis nya, nagiwan sya ng isang pangako kay Krystine na pagbalik nya, isasama sya sa lungsod upang doon sila magkasamang mamuhay. Nangako din si Krystine na sya ay maghihintay. Sa ilalim ng punong iyon sila kapwa nagsumpaan.

Ilang taon si Richard sa lungsod at nagsikap ng husto upang pagbalik nya sa kanilang baryo kasama na nya si Krystine sa paglayo. Halos araw-araw syang sumusulat kay Krystine para mangamusta at para ibalita ang kanyang mga ginagawa. Sumasagot din si Krystine at sinasabing sya ay naghihintay pa rin.

Sa isang sulat ni Richard, hindi sumagot si Krystine. Hindi nya binagyang pansin iyon dahil baka abala lamang sya. Ilang sulat pa ang kanyang ipinadala at wala pa rin syang nakukuhang sagot mula sa kanyang sinisinta. Lagi nya lang iniisip na baka masyado lang abala ang isa.

Matapos makaipon at makapagpundar, umuwi si Richard sa kanilang lugar. hindi na sya nagpasabi dahil nais nyang sopresahin si Krystine. Pinuntahan nya agad si Krystine para sabihing maghanda na dahil isasama na nya sa kanyang pagbalik sa lungsod ngunit wala doon ang kanyang kasintahan. Kinabukasan nung sila’y muling magkita, sinabi ni Krystine na sa puno sa may burol sila ay magkita dahil my sasabihin syang bagay na mahalaga. Kinahapunan, nasa ilalim ng puno sa may burol si Richard at naghihintay. Agad syang tumayo nang makita nya si Krystine na paparating. Hindi pa rin nagbabago ang kagandahan ng kanyang kasintahan. Ngunit may nababakas syang kalungkutan mga mata nito.

Nang makalapit si Krystine kay Richard, sinabi nyang iyon na ang huli nilang pagkikita. Meron na pala syang iniibig na iba. Hindi makapaniwala si Richard sa kanyang narinig. Walang lumabas na anumang salita sa kanyang bibig. Pagkasabi ni Krystine, sya ay tumalikod at naglakad papalayo sa punong iyon. Naiwan lang si Richard na katingin sa kanyang paglayo.

Sa makababa ng burol, may isang sasakyan na naghihintay kay Krystine. Sumakay sya doon at umandar na papalayo. Nakatingin pa rin si Richard sa sasakyang papalayo at hindi nya namamalayan na ang mga luha nya ay tumutulo.

Sa paglayo ni Krystine sa kanilang sumpaang puno ay sya ring wakas ng kanilang mga pangako….

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s