Reduce or Reproduce

Mainit ang usapin ngayon tungkol sa Reproductive Health Bill. Pag naging isang ganap na batas na ito, papalakasin nito ang pagpopromote ng natural and artificial family planning. Makatutulong din ito para mabawasan ang paglobo ng populasyon sa ating bansa.

Kinontra ng CBCP ang nasabing bill at nadismaya sila kay Pareng Noynoy dahil sa pagsoporta nya dito. Ayon sa CBCP, labag daw ito sa aral ng simbahan at ito daw ay pipigil sa pag-po-pro-create na isa sa mga silbi nating mga tao. Imoral daw ang nasabing bill.

Noong panahon ng kastila, mga pari ang nagpapatakbo ng gobyerno. Ang simbahan noon ang gobyerno ng mga tao. Kahit may mga gobernador noon at alkade at kung anu-ano pang tawag sa mga namumuno sa gobyerno, sa mga pari pa rin sila nakikinig. Tulad sa Noli Me Tangere ni Pinsang Jose, makikita doon na makapangyarihan si Padre Damaso na isang kura paroko kaysa sa mga namumuno sa gobyerno. Kung napanood mo ang pelikulang “Baler” ni Jericho Gonzales at ng ex-girlfriend kong si Anne Mortiz, nagtago ang mga kawal ng gobyernong espanyol sa loob ng simbahan hanggang sila ay sumuko. Nasa ilalim pa rin ng simbahan ang gobyerno — noong panahon ng kastila.

Matapos nating makalaya sa mga kastila (na palagay ko eh hindi pa rin nga) at magtatag ng sariling Republika ang tropa ni Emilio Aguinaldo, nagkaroon ng separation of state and church o ang paghiwalay ng gobyerno sa simbahan. Nagkaroon ng Canon Law ang simbahan at nagkaroon ng Constitution ang gobyerno.

Mabalik tayo sa isyu. Ngayong mainit ang usapin tungkol sa Reproductive Health, nakikialam ang simbahan dahil sa mga dahilang nabanggit ko na kanina. Hindi ito katanggap tanggap para sa kanila at magsasagawa daw sila ng kilos protesta oras ng matuloy ang pagsasabatas nito.

Isa akong katoliko at naniniwala ako sa aral ng simbahan. Isa rin akong Pinoy na mamamayan ng Pinas na sumusuporta sa mga programa ng gobyerno na alam kong makakatulong para sa mga mamamayan nito, sa ayaw ko o sa gusto.

Sa ilang beses nakialam ang simbahan sa gobyerno, maraming beses na tama ang ginawa nilang pakikialam. Tulad nung unang People Power (kahit bago pa lang namulat ang mata ko nu’n). Ayos lang nakialam sila dahil mamamayan sila ng bansang ito at direkta silang maapektuhan kung ano man ang mangyari. Sa bawat eleksyon. Ayos lang din dahil bilang mamamayan, gusto din nilang lumabas ang katotohanan at manaig ang gusto ng mga taong bayan.

Pero sa usaping ito, hindi naman siguro nila kailangan pang kumontra at magprotesta. Hindi sila maapektuhan ng direkta dahil hindi sila ang kinukwestyon ng mga mamamayan pag may kapalpakan ang gobyerno.

Madali para sa isang organisasyon ang magprotesta laban sa gobyerno dahil hindi naman sila ang sisisihin sa bandang huli. Kung lumaki ang populasyon, dumami ang naghihirap, dumami ang mga batang inaabandona at biktima ng abortion, gobyerno lang ang sisisihin dahil sasabihing walang ginagawa o ginawang hakbang ang mga ito para masolusyunan ang problemang ito.

Ayos lang sa mga organisasyong ito na magprotesta dahil hindi naman sila ang kinakalampag ng mga mamamayan para sa libreng gamot, pabahay at pagkain para sa mga mamamayan.

Walang problema sa mga organisasyong ito ang magprotesta dahil hindi naman sila ang lumalabas sa kalye kundi ang mga myembro nila at taga sunod.

Hindi dahil kumontra ka sa gusto ng simbahan eh makasalanan ka na. Hindi dahil hindi ka sumunod sa gusto ng simbahan eh hindi ka na makakarating ng langit.

Hindi ibig sabihin na kumontra ka sa simbahan eh mali ka na…

Meron tayong wisdom at free-will. Malaki na tayo at may sariling isip para gamitin ito ng tama…

Kung sa palagay mo eh ‘yun ang makakabuti para sa nakararami, dun ka…

Kung hindi naman, bahala ka na…

Imoral daw ang Reproductive Health Bill sabi ng CBCP…

Ah…

Alam ko na…

Kaya pala imoral para sa CBCP ang Reproductive Health Bill…

May mga pari nga palang kasapi ang Simbahang Katolika na may mga anak…

Tama nga naman…

They promote life and pro-creation…

And they practice what they preach…

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s