Origami

Alam mo ba ang “origami”? Ang origami ay isang art ng pagtutupi o pagtitiklop ng papael para gawing isang figure o bagay. Ang origami ay isang japanese art. Ang salitang origami ay galing sa salitang hapon na “ori” na ibig sabihin ay “folding” o pagtutupi at “kami” na ibig sabihin ay “paper” na alam kong alam mo na ang tagalog. Ito ay magsisimula sa isang square na papel at itutupitupi para makagawa ng isang figure. Kung gugupitin mo ito o lalagyan ng glue, hindi ito maituturing na origami.

Kung nakagawa ka na ng bangkang papel, eroplanong papel o sumbrerong papel, nakagawa ka na rin ng origami. Hindi ko alam na origami pala ang tawag sa mga ‘yun na dati na nating ginagawa. Pati nung spaceship na ginagawa ko dati pagtinatamad akong makinig sa lecture ng teacher ko, origami na din pala ‘yun. Kung naalala mo pa ang isang piraso ng papel na isinsuot mo isa daliri mo nung elementary ka at may nakasulat na color o number sa labas at may mga adjective sa loob, origami din ang tawag dun.

Sa pagdaan ng panahon, marami na ang lumabas na mga designs ng origami. Ang mga sikat ngayon ay mga bulaklak na origami. Masarap ding gawing libangan ito at maari ding pagkakitaan. Sa ngayon, origami na rin ang ginagawang basehan o model ng mga scientist para sa kanilang mga inventions.

Isang art at libangan na ngayon ay batayan na din sa ating pag-unlad…

Nai-share ko lang… Wala pa kasi akong ibang maisulat eh… 😀
Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s