NNK

Naalala nya kaya ang sakit at pait ng unang paghihiwalay? Ang pagtalikod sa mga pangko. Ang pagtapon sa mga alaalang masasaya. Ang paglimot sa nakaraan na puno ng ligaya. Ang pagtahak sa magkahiwalay na daan, na kailan man ay hindi na muling magtatagpo.

Naalala nya kaya ang pagpilit na iwasan ang isa’t-isa subalit sa kabila ng lahat ay talagang pinagtatagpo pa rin ng tadhana? Ilang beses nang sinubukang maghiwalay ngunit sa bawat pagpapaalam ay hindi pa rin maalis ang higpit ng mga yakap at hawak sa mga kamay. Ilang ulit nang pinilit tumakbo papalayo ngunit hindi pa rin kayang paglabanan ang tunay na isinisigaw ng mga puso.

Naalala nya kaya ang mga luhang tumulo sa ilalim na buwan habang sinasambit ang mga pangako? Sa muling pagbabalikan isang pangako ang binitiwan na kailan man ay hindi na muling maghihiwalay. Mga pangakong magsasama sa hinaharap at magkasamang bubuo ng kanilang mga pangarap…

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s