Labasmasok sa butas na madulas

It’s finally here!

Maghapon ko syang inaabangan. Kaninang umaga pa lang alam ko nang darating sya. Nilibang ko ang sarili ko buong maghapon para hindi ko maisip ang pagdating nya. Wala rin akong nagawa, dumating pa rin ang itinadhana.

Nahihirapan na naman ako ngayon dahil sa pagdating nya. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako ganito. Tatlo, apat, limang araw o isang linggo. Siguro hanggang makaalis sya. Ginagawan ko na agad ng paraan para makaalis na agad sya kahit kadarating palang nya. Ayoko kasi na kasama sya. Nahihirapan ako tuwing kasama ko sya. Sya ang bwusit sa buhay ko. Madami akong gustong gawin na hindi ko magawa pagkasama ko sya. Gagawin ko ang lahat ng aking magagawa, mawala lang sya sa sistema ko.

Hindi ko alam kung bakit pabalik-balik sya sa akin. Talaga sigurong ganun. Wala din naman akong magawa pag andyan na sya. Kailangan ko na lang tanggapin at tiisin ang paghihirap na dala nya sa buhay ko.

Gaya ng dati…

May hawak na naman akong tissue dahil sa kanya…

Hindi ko mapigilan ang pagtulo kaya kailangan ko agad punasan dahil ayokong may iba pang makakita…

Panay na naman ang singhot ko…

Lintek talagang sipon ‘to! Labasmasok na naman sa ilong ko! Barado tuloy ang ilong ko! Teka nga’t sisinga muna ako…

😀

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s