Gaya ng dati

Kamusta mga katambayers? Gusto ko lang sanang i-share sa inyo ang isang email galing sa isa nating katambayan dito. Ang email ay galing kay pochick. Medyo mahaba at masalimuot ang kanyang email. Sana ay habaan nyo ang inyong pasensya sa mahaba nyang email. Ito ang kanyang sabi:

dear kuya mao,
 
Gusto ko lang sana i-share ang buhay ko at humingi na din sayo ng payo. Sana ay matulungan mo ako. 
 
May isa akong anak at ipinagbubuntis ko ngyun ang pangalawang anak naming mag-asawa. Madami nang ngyaring pagsubok sa relasyon namin. Nalalampasan namin pero ndi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon na para bang ndi pa tapos lahat ng mga bangungot na iyon. Ndi ko alam kung paano ko sisimulan, pero eto na….
 
Nakilala ko ang aking esposo noong highskul pa lang kme. Pareho kme ng skul na pinasukan pero ndi kme magkaklase. Iisa din ang aming bakrakada. Tropa-tropa noong una hangang sa nadevelop sa isat-isa… alam ko na ang liko ng bituka nya kaya alam ko kapag my ginagawa syang kalokohan… hanngang sa mag kolehiyo kme, parehong skul at parehong kurso din ang kinuha namen… araw-araw magkasama… ndi ko din naman maipagkakaila na “chickboy” sya… dahil kahit ung bestfriend ko ay niligawan nya kahit na magkarelasyon pa kme… pero kahit na anong sakit, nagawa ko pa din syang patawarin. Ndi ko nga alam kung paano ko yun nagawa… siguro ay sa sobrang pagmamahal ko din sa kanya… nagkagraduate kme at nagkatrabaho… at ilang beses pa ding naulit ang pagiging chickboy nya… at ilang beses pa din naulit na nagawa ko syang patawarin at tangaping muli… hanggang sa nagdisisyon kming magpakasal… dito pa pla dadating ang mas malalaking pagsubok sa buhay namin… hindi ko akalain na pwede palang masira ang pamilya at pagasasama namin dahil lang sa mga taong nakapaligid sa kanya… madali ksing mahulog ang loob nya sa babae lalo na kapag nakikita nya na may pagkakapareho pala cla ng ugali o hilig o simpleng napapasaya minsan… may mga bagay na hindi nya kayang i-give-up gaya ng pagiging buhay binata nya… ito ang madalas naming pinagtatalunan… cguro nga medyo bata pa kmi ng mag-asawa pero masasabi ko namang isinakripisyo ko ang buhay dalaga noong nagdisiyon kming magpakasal… kahit ang pinangarap kong career na noon ay malapit ko na sanang maabot ay binitiwan ko para sa knila ng anak ko… ayoko sanang haluan ng pagsisi pero kung naging maayos sana ang relasyon namin ay mas masusulit ang mga bagay na binitawan ko… hindi ko naman sinasabi na wala akong pagkukulang malamang meron din pero gsto ko lang talaga ilabas ang nararamdaman ko… hanggang sa natauhan din ata sya at nagkaayos na din kme… kgaya ng dati, nagpatawaran, at umasa ulit ako na ndi na mauulit ang mga ganitong bagay… pero gaya pa rin ng dati, nabigo ulit ako.. masama ata na umasa pa… itong huling pagsubok na dumating sa buhay namin ang halos pumatay sa akin na para bang sana ay bangungutin na lang ako at ndi na magising kinabukasan  para tapos na lahat ng sakit… pero paano ang anak ko kung mawawala ako??? Mas ndi ko ata kayang iwanan sa kanya ang anak namin dahil alam ko na hindi nya kayang palakihin ng ayos… may pagkakataon kasi na mas inuna pa nya ung babae nya kaysa sa anak nya… at dito ako lubos na nasaktan… ndi ko kasi akalain na magagawa nya yun sa anak nya… cnabi ko sa sarili ko noon na wala na talagang pag-asa ang relasyon namin… hanggang isang araw cnabi nya sakin na gusto nya ng annulment… para akong sinaksak na paulit-ulit pero sa kasawiang palad buhay pa din ako at ramdam na ramdam ang sakit ng mga sugat… disidido na sya… dahil wala na naman daw mangyayari kung susubukan pa ulit naming ma-ayos ang relasyon namin…  wala na ang pagmamahal nya sakin at may bago na syang mahal… parang ang dali-dali lang sa kanya… noong mga panahon na yon, literal na literal na pasan ko ang daigdig… bigla na lang akong maiiyak… ndi ko lubos maisip kung bakit nya nagawa ang mga bagay na iyon… madalas, gabi na akong umuuwi at lasing pa… ndi ko alam noon kung paano ko nakakayang huminga pa at ipag patuloy ang buhay ko… sabi ko sa mga kaibigan ko, ayakong umuwi at makita ang anak ko kasi lalo akong nasasaktan at nahihirapan sa tuwing nakikita ko sya lalo na kapag tinatanong na ako kung asan ang daddy nya… ndi ko na alam kung anu pang palusot ang sasabihin sa anak ko… kung paano pa ako magsisinungaling para ndi masira ang pagtingin nya sa ama nya… ndi ko din maiwasang maiyak sa harap nya at wala din ako maisagot sa tuwing itatanong nya saking  “mommy, bakit ka umiiyak”…. Ganito kasakit ang sitwasyon ko noon…  ndi na din sya umuuwi sa bahay namin…  sinubukan kong kalimutan lahat… pakonti-konti. Pero ndi ko talaga magawa dahil ata sa sobrang sakit na idinulot sa akin…  pinili kong makihalubilo sa iba… makipagkilala sa iba… para makalimot… para kahit papaano ay ndi ko maisip ang sakit na nararamdaman ko… alam ko, dinadaya ko lang ang sarili ko… dahil kahit nakakangiti ako paminsan-minsan alam ko sa loob ko na ndi pa din ako okey.. nang nagtagal, naisip ko na mas ok na din ata na ganito ang sitwasyon.. yung tipong ndi na ako umaasa sa kanya.. pinabayaan ko na sya sa gusto nyang mangyari.. sa ganoong paraan, mas magaan ang sakit na naramdaman ko noon.. sabi ko sa sarili ko, okey na ako ng ganito… may mga nanligaw sakin, gusto ko mang i-grab ang pagkakataon para tuluyan na akong sumaya, pinili ko pa ding ndi makipagrelasyon sa iba para na din sa anak ko at para na din ndi pa dagdag sakit ng ulo… okey na ako… okey na ako… hanggang isang araw bumalik sya sa bahay namin na parang walang ngyari at doon na ulit nagstay… ni ndi man lang nakipagusap sa kung anu ba ang istado naming dalawa… parang nakikipagbalikan na ndi ko maintindihan… ndi na din ako naglakas ng loob na kausapin pa sya dahil ayoko lang masaktan ulit at ayaw ko din naman syang paalisin para naman magkasama cla ng anak namin… paminsan-minsan nagkukwentuhan kme.. hanggang sa canabi nya sa akin na tapus na cla ng nakarelasyon nya.. ndi ko alam kung dapat ba ako matuwa… ayoko na ulit masaktan kung mauulit pa ulit ang ganoong pagkakataon… para kasing ang dali nyang kalimutan ang lahat ng aming pinagsamahan kapag nakakita sya ng iba at bakit kapag umayaw na sya sa nakarelasyon nya o umayaw na yung babae, ay parang ndi nya ako nasaktan kapag bumabalik sya sa akin… naitanung ko din sa kaibigan ko kung bakit ganun, kung kelan handa na ako bumitaw at kung kelan okey na ako at medyo masaya na ay eto sya at muling nagbabalik… ndi ko alam kung anu ang dapat gawin… pikit mata ko cyang tinaggap muli.. sumubok na magging maayus ang pagsasama namin.. nagtiwala ulit kahit papaano sa kanya.. nagging maayos naman… natutong magbigayan.. ilang buwan ang nakalipas na okey… at sinasabi nya din sa akin na masaya na at okey na din lahat… pero ngayun, ramdam ko pa din na ndi ok ang lahat.. nasasaktan ako kasi kita ko pa din sa kanya na hindi pa din nya makalimutan ang huli nyang nakarelasyon… na sa bawat ginagawa nya ramdam at kita ko na inaalay pa nya ito dun sa isa… malimit nyang balikbalikan ang nakaraan nila at kita ko na nghihinayang sya sa ngyari sa kanila…  minsan tuloy naiisip ko, “fall-back” nya lang ba ako? Bakit ganon? Ndi ba nya naiisip na nasasaktan ako sa mga ginagawa nya? Bakit pa sya bumalik kung sasaktan nya lang din naman pala nya ulit ako? Bakit ndi nya masabi ang totoong nararamdaman nya? Sa mga ginagawa nya, kitang-kita kung gaano sya naging masaya sa relasyon nila pero bakit ndi nya maipakita kung gaano sya nagging kasaya sa relasyon namin? Bakit pa sya nasa tabi ko kung iba din naman ang iniisip nya? Kahit ilang beses na naming ito napagusapan, bakit binabalewala nya lang kung anu ang nararamdaman ko? Sabi ng mga kaibigan namin, ang tanga tanga ko daw at ang swerte-swerte nya… kelan nya kaya ako mapapansin?? Sana ndi pa huli ang lahat kapag naisip nya yun… maiisip pa nya kaya yun? Kung patuloy lang nya ako masasaktan, mas mabuti pa ba kaya na talagang tapusin na lang namin ang relasyon namin? Para anu pa na magkasama kami kung ndi din naman ako ang totoong nasa isipan nya? Kung ndi pa din nya makalimutan ang isa at tila mas gsto pa nyang balik-balikan ang nakaraan nila… manhid ba sya para ndi nya maramdaman na nasasakatan ako sa mga ginagawa nya? Kung magkapalit kaya kami ng pwesto at ako ang gumawa ng mga ganung bagay sa kanya, kakayanin nya kaya??? Ang akala ng lahat okey lang kami, pero ang totoo kung ako ang tatanungin, ndi kmi ok.. pinipilit na maging okey pero ndi talaga okey… gusto ko mang ipagsigawan na okey lang ako, umiiyak pa din ang puso ko… dahil sa kabila ng lahat ng ginawa ko, ndi ko pa din alam kung san kami patungo… mga bagay na gumugulo sa isipan ko at dumudurog sa puso ko… sana matulungan mo ako….
 
lubos na gumagalang,
pochick

 

Salamat sa email mo pochick kahit may kahabaan. Nakakatuwa naman dahil kung mababasa mo ang aking mga lumang kwento (see: It’s better with your other half than with your self alone at …And they lived happily ever after… ), kung paano kayo nagkakilala ng mister mo eh ganun din kami ng aking labopmylayp (mas masaya nga lang ang sitwasyon naming dalawa ngayon). Medyo sensitive ang sitwasyon nyo kung tutuusin dahil personal na bagay ‘yan. Nakakatuwa din dahil sa dami ng pwede mong pagtanungan ng problema mo eh mas pinili mo pa na i-share sa akin at sa iba nating katambayers ang inyong problemang mag-asawa. Kung ano man ang aking magiging sagot eh depende sa opinion ko at sa pagkakaintindi ko sa email mo.

Game na!

Hindi ko alam kung paano mo nasabi na hindi nya pa rin nakalimutan na ng mister mo ang kanyang past realtionship. Hindi ko din alam kung paano mo nasabi na ang lahat ng ginagawa nya ay para dun sa isa. Matanong ko lang kung ilang taon na ba kayong magkakilala at magkarelasyon bago kayo nagdecide na magpakasal? Kung pagbabasihan ko ang email mo, mukhang bata pa kayo ng mister mo dahil mukhang hindi pa kayo mature. Kung medyo may katagalan na naman ang inyong relasyon na dalawa bago kayo nag-decide na magpakasal at sabi mo nga eh talagang napakababaero ng mister mo, tingin ko eh dapat kilala nyo na ang isa’t-isa. Nabanggit mo nga din na alam mo na ang likaw ng bituka nya.

Gusto ko lang ulit na ang lahat ng sinasabi ko eh ayon sa aking opinion. Nasa sa’yo kung gusto mong makinig sa akin o humingi ng tulong sa mas matino at mas eksperto pagdating sa ganitong usapin. Kung ako ang tatanungin mo, dapat siguro hindi kayo nagpakasal noon pa lang. Kung dahil naman sa buntis ka kaya kayo nagpakasal noon, wala ka din dapat sigurong sisihin kundi ang sarili mo. Sabi ko nga sa una kong kwento (see: …And they lived happily ever after… ), hindi dahilan ang pagbubuntis para magpakasal. Kung sasabihin mo naman na ‘yung lalaki din ang may gusto kaya kayo nakasal, sa tingin ko eh handa talaga sya sa pinasok nya. Maaring nagkamali ulit sya nung kasal na kayo pero hindi naman ibig sabihin nu’n na ganun na sya habang buhay.

Sa palagay ko din ay napapraning ka lang. Pasensya ka na pero sa tingin ko eh praning ka lang talaga. Mahirap kasing basta sabihin na hindi pa rin nakakalimutan ng mister mo ang nakarelasyon nya nung kasal na kayo. Mahirap ding sabihin na para dun sa isa ang lahat ng ginagawa ng mister mo. Ngayon kung mapapatunayan mong hindi nya pa din talaga nakakalimutan ang kanyang dating karelasyon at lahat ng ginagawa nya ay para dun, dapat siguro eh ikaw na ang makipaghiwalay sa kanya. Inuulit ko, opinion ko ito at sinasabi ko lang ang pagkakaintindi ko sa email mo.

Mas maganda pa siguro na maghiwalay kayo kaysa lagi kang tamang hinala sa asawa mo. Para kasing nawala na ang trust mo sa kanya. Kung walang trust, walang love. Sabi mo nga, madaming beses ng ginawa ‘yun ng mister mo at ilang beses mo na din syang pinatawad, sa tingin ko eh tama na. Para hindi ka na napapraning at hindi ka na masyadong nasasaktan, mas maganda pa na maghiwalay kayo. Huwag mo ding masyadong isipin ang anak nyo sa pagkakataong ‘yan. Kasi kung maipapaliwanag mo lang ng ayos ang lahat paglaki nila, mas maiintindihan nila ang sitwasyon nyo kaysa sa mga nagbabasa nito ngayon na gusto akong ipapatay dahil sa mga pinapayo ko sa’yo. Simple lang naman ang pwede mong itanong sa mga anak nyo paglaki nila at nagtanong kung bakit kayo naghiwalay. Itanong mo kung alin ang mas gusto nila, ‘yung magkasama kayong mag-asawa pero nasasaktan ka/nag-aaway kayo o ‘yung magkahiwalay kayo pero tahimik naman ang lahat? Gabayan mo din ng tamang ang mga anak mo kung sakasakali para hindi naman maging masama ang tingin nila sa erpat nila.

Ang pinakamaganda sa lahat na dapat mong gawin, kausapin mo ang ‘yung mister. Huwag kang mapraning sa mga ginagawa nya. Kung talagang alam mo ang likaw ng bituka nya, dapat alam mo din na nagsasabi nga sya totoo kung sasabihin nya na wala na ‘yun sa kanya. Huwag mong isipin na ginagawa nya ang mga bagay na ‘yun para dun sa isa. Hindi mo alam ang tumatakbo sa utak nya. Mahirap ang nambibintang dahil ‘yan pa ang maaring pagsimulan ng hindi nyo pagkakaunawaan. Hindi ka na din dapat nabubuhay sa nakaraan dahil gaano man kapangit at kasakit ang nakaraan, wala ka nang magagawa pa dun dahil tapos na ‘yun. Ipagpasalamat mo na lang na nalampasan nyo ang mga pagsubok na ‘yun ng maayos. Ipagdasal mo na lang din na hindi na maulit. Matuto kang magpatawad ng bukal sa’yong kalooban at maging handa para harapin ang inyong bagong simula. Kayong dalawa ang higit na makakasagot at makakatulong sa isa’t-isa.

Hanggang dito na lang siguro ang aking isasagot sa’yo pochick. Salamat ulit sa pag-se-share. Inuulit ko lang na opinion ko lang ang mga sinabi ko. Nasa inyo pa ring dalawa kung gusto nyo talagang magka-ayos. Mag-usap kayo ng maayos at huwag kang masyadong praning. Hanggad ko ang kaligayahan nyong dalawa at sana eh magka-ayos kayo.

Kung nalalabuan ka sa sagot ko, sumulat ka na lang ulit at huwag namang masyadong mahaba pero andun ‘yung idea. Salamat ulit at GOD Bless both of you! 😀

Ang iyong kwentutero,

Kuya Mao

 

Para sa aking labopmylayp:

             Mabuti na lang talaga at hindi ka praning gaya ni pochick. Salamat sa lahat at mahal na mahal kita! (kilig!) 😀

 

Kung may tanong ka tungkol sa kahit anong bagay o may kwento kang gustong marinig, magsend ka lang ng email sa dearkuyamao@gmail.com. Gagawan natin ng paraan para ikaw ay maaliw. Hihintayin ko ang email mo! 😀

P.S.

Tumatanggap din tayo ng mga kwento tungkol sa kahit saang bagay. Send nyo lang sa dearkuyamao@gmail.com. Sinisigurado ko ang ’yong privacy kung ‘yun ang gusto mo, huwag lang kalimutan maglagay ng screen name para sa proper credit at para sumikat ng konti.

(Tumatanggap din tayo ng love letters at death threats)

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s