Emo-ngoloid

“Emo” ang tawag sa mga taong masyadong madrama sa buhay. Tipong konting samaan lang ng loob nilang magjowa eh isusulat na agad sa wall ng facebook account nya ang kanyang nararamdaman. Masyadong dinaramdam ang kanilang mga problemang puso. Masyadong sensitive pag puso at pag-ibig na ang pinag-uusapan. “Emo” ang tawag nila sa mga kaibigan, kakilala at friends sa facebook nila. Pero pag sila ang nagpost nang mga ganitong klase sa wall nila, hindi sila “emo”. Ine-express lang nila ang nararamdaman nila. Kahit kailan hindi nila inamin sa sarili nila na may parte rin sa pagkataon nila na “emo”.

Sila ang mga taong unang mag-ko-comment sa post mo sa wall na “emo”. Sila ang magsasabi sa’yo ng mga encouraging words. Sila ang mga tipo ng tao na parang ni minsan ay hindi tumigil para pakiramdaman ang sarili nila kung may pakiramdam pa sila. Sila ang mga mas malalim pa sa mga tinatawag nilang “emo” pagnaglabas ng kanilang saloobin. Sila na ni minsan ay hindi inamin sa sarili nila na naging “emo” din sila at pwede din silang maging “emo” uli.

Madalas nating namimisintepret ang salitang ito at madalas din ay over use. Minsan hindi natin ramdam, minsan ay puro ganito na lang. Tulad ng ibang tao, nakakaramdam ka din ng sakit at lungkot minsan. Tulad ng iba, kailangan mong masaktan at malungkot para maramdaman mong tao ka. Marami ang emo sa atin pero ang iba, ayaw umamin.

Hindi dahil sinabi mo ang sakit na nasa loob mo ay “emo” ka. Hindi dahil malungkot ang mga post mo eh “emo” ka. Hindi dahil masyado kang sensitive eh “emo” ka. Hindi dahil masyado kang emotional eh “emo” ka…

Tandaan mo…

Tao ka lang…

Nasasaktan…

Nalulungkot…

At “emo” minsan….

 

😀

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s