Nobody mess with me

         Anak ng pitongpu’t pitong puting tupa itong isang user sa youtube.com. Hindi ko alam kung bakit pinapayagan ng MOD’s ng site ang mga ganitong klase na user. Walang paggalang sa ibang lahi. Ayos lang sana kung specific na tao lang ang sinasabihan nya eh. Ang problema, isang nasyon at minumura nya — at ang Pinas pa!

       Ayon sa channel nya, sa Hongkong sya nakabase. Pwede kong pagbigayan dahil sa nangyaring trahedya sa Maynila, isang buwan na ang nakakalipas. Pero hindi rin. Hindi nya pa rin naman pwedeng gawing dahilan ‘yun para magbitaw sya ng mga ganung klaseng salita. Kung ano man ang nangyari nu’ng isang buwan, tapos na ‘yun. Nangyari na ang dapat mangyari. Ilang beses ng nakahingi ng tawad ang mga Pinoy sa pagkakamali ng ilan.

         Mabuti na lamang at may ibang tao (hindi ko sigurado kung mga Pinoy din) nagmamalasakit sa ating bayan at binasagan ang kanyang mga comments. Salamat naman at may iba pa palang nagmamahal sa atin.

         Ang hirap lang sa mga ganitong klaseng tao, masyadong duwag. Ang daming sinasabing kung anu-ano pero ayaw namang magpakilala. Walang information maliban sa age at location. Wala man lang profile pic kahit man lang sana paborito nyang artista (kung may kilala) o paboritong hayop (kung may alam). Ganitong klase ng mga tao ang nakakapagpainit ng dugo. Magaling sa salita pero hanggang dun na lang.

           Nasira na ang paggagala ko sa youtube.com dahil sa pesteng poserong ito. Kung naiintriga ka kung ano ang mga comments nya, ito ang link sa channel nya. Bahala ka na. 😀

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s