Anino sa dilim

Nagpunta kami noon ng isang kaibigan sa bahay nila sa probinsya. Maganda sa bayan nila dahil tahimik at malinis. Ayos na ayos talaga sa mga gustong mag-relax. Naalala ko nung andun kami, lagi akong may napapansing anino na dumadaan sa may bintana ng kwarto nya. Hindi ko naman masyadong pinapansin dahil baka ermat nya lang ‘yun.

Isang gabi, nakita ko ulit ‘yung anino na dumaan. Sumilip ako sa bintana ng kwarto nya. Nakita ko ang isang babae na nakabestida, hanggang balikat ang buhok at naglalakad papalayo sa bahay nila. Naisip ko na ermat lang ‘yun. Nung huling gabi namin sa bahay nila, nakita ko ulit ang anino ng babaeng ‘yun at may narinig akong mahinang hikbi. Sumilip ulit ako sa bintana dahil baka umiiyak ang ermat ng kaibigan ko. Ginising ko ang kaibgan ko nu’n at sinabing naiyak ata ang ermat nya. Wala naman daw syang naririnig at sinabing matulog na daw ako dahil maaga pa ang alis namin kinabukasan. Nawala nga ang hikbi na narinig ko. Nahiga ulit ako para matulog.

Mga bandang madaling araw, narinig ko ulit ang hikbi sa may bintana ng kaibigan ko. Tumingin ako sa may bintana dahil parang papalapit ang hikbi na naririnig ko. Maya-maya, narinig ko na parang nasa may tapat na ng bintana ng kwarto namin ang hikbi pero wala kong nakikitang tao kahit anino. Ginigising ko ang kaibigan ko nu’n pero hindi sya magising — malalim na ang tulog nya. Sumilip na lang ako sa bintana para tingnan kung ibang tao ang naririnig kong ‘yun. Wala akong nakikitang tao sa paligid pero may naririnig pa rin akong hikbi. Nagulat ako ng may biglang bumulaga sa harap ko na isang babae na walang mata. May tumutulong dugo sa kanyang mukha na parang luha. Sabog-sabog ang kanyang buhok at gulagulanit ang kanyang suot na bestida. Hindi ako makasigaw sa sobrang takot. Napatingin lang ako sa babae sa bintana sa sobrang takot at gulat. Hindi rin ako makagalaw para gisingin ang kaibigan ko. Biglang nawala ang babae sa harapan ko at saka lang ulit ako nakagalaw para gisingin ang kaibigan ko.

Kinuwento ko sa kanya ang nakita ko. Kinuwento nya din sa akin na ang babaeng nakita ko daw ay ang dating may-ari ng bahay. Hindi daw sila ang original na may-ari ng bahay na ‘yun. Binili daw nila ‘yun dahil mababa ang presyo at tamang-tama ang malaking bakuran para sa mga puno ng erpat nya. Ang alam nya lang daw eh ang dating may-ari ng bahay na ‘yun ay isang matandang dalaga at walang ibang kasama sa bahay na ‘yun. Pinasok ng ilang drug addict sa lugar nila at ninakawan tsaka pinatay. Dinukot ang mga mata at iniwanan na lang sa labas ng bintana ng kwarto nya.

Hindi na ako nakatulog nu’n sa bahay nila pati sa byahe pauwi. Tuwing pumipikit ako, nakikita ko pa rin ang babaeng ‘yun sa bintana. Pagbaba namin ng bus, niyaya ko ang kaibigan ko na dumaan muna kami sa simbahan para ipagdasal ako kaluluwa ng babaeng ‘yun. At sinabi ko sa kaibigan ko na baka matagalan na ulit bago ako sumama ulit sa bahay nila sa probinsya.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s