Ulan

Tuwing pumapatak ang ulan, naaalala ko ang nakaraan. Ang mga sandaling ating pinagsamahan. Sa isang payong tayo ay nagsukob at nagkalapit ng loob. Masayang pinagmamasdan ang pagpatak ng ulan mula sa loob ng tambayan. Sumasabay sa lakas ng hangin ang pagbuhos ng ating damdamin.

Tuwing pumapatak ang ulan, naaalala ko ang nakaraan. Ang pagpatak ng luha at ang mga maling hindi na naitama. Ang mga sakit na dulot ng kahapon na hindi kayang sanggahan ng payong. Ang pagdilim ng kalangitan at ang pait ng iyong paglisan.

Tuwing pumapatak ang ulan, naaalala ko ang nakaraan. Alam kong mahirap ng balikan ngunit nag-iwan ng kasiyahan. Mga aral na aking natutunan sa kabila ng sakit at kalungkutan. Tulad din ng araw na muling sisikat pagkatapos ng ulan.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s