Please release me…

Alam mo ba ‘yung “Please release me” ni Engelbert Humperdinck? Naalala ko lang ang kantang ‘to nung isang araw habang nag-iinom kami nung isa kong kaibigan. Ilang taon din nung huli kaming magkita kaya updates muna sa buhay-buhay. Nabanggit nya sa akin na hiwalay na daw sila nung asawa nya. ang problema nga lang eh parang ayaw pang makipaghiwalay nung babae. Naisip ko baka kasi gusto pang i-work out nang  asawa nya ang kanilang relationship. Pero sabi nya mukhang hindi na daw kaya. Matagal na din silang kasal bago sila naghiwalay.

Dahil magkaibigan naman kami, tinanong ko sya baka may iba na syang babae. Wala daw. Talaga lang dumating sa point ang relasyon nila na mahirap ng baguhin ang dating ugali. Hindi ko naman nakasama ‘yung asawa nya o nakakwentuhan pero nakita ko na sya dati. Mukhang ayos naman dahil tahimik. Pero ayon sa kwento nya eh medyo mahigpit pala ang asawa nya. May pagkaselosa at nakakasakal na daw.

Tuloy lang ang kwento nya tungkol sa relasyon nila ng asawa nya, habang ako naman eh kumakanta ng “Please release me” sa utak ko. Kulang na nga lang daw eh magfile na sila ng annulment pero hindi pa daw ngayon. Hindi ko alam kung kailan. Ayoko namang tanungin dahil baka isipin ng kaibigan ko eh sasaluhin ko asawa nya. Naisip ko base sa kwento nya, kung ako ‘yung asawa nya eh matagal na din akong nakipaghiwalay. Nawala na pala ang respeto nila sa isa’t-isa. ‘Yun pa naman ang isa sa pinaka importante sa isang relasyon.

Natapos ang inuman namin na masaya. Hindi na naman nya masyadong iniintindi ang nangyari sa kanya. Malaki na sya para magdesisyon para sa sarili nya. Gaya ng ibang kaibigan, sabi ko na lang sa kanya, lagi akong handang tumulong at sumuporta sa kanya.

Ito ‘yung picture nung kaibigan ko.

Ito naman ‘yung sa misis nya.

Hirap talaga ng sitwasyon ng kaibigan ko. 😀

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s