Gamitin mo ang katawang lupa ko

May nagpadala ng isang email/tanong sa inyong kwentutero. Mula ang email/tanong kay mark_us28. Ito ang kanyang sabi. Pakibasa na lang:

dear kuya mao,

           magandang araw sa iyo at sa mga tumatambay sa pwesto mo. napadaan lang ako dito minsan kaya na-isipan ko ding magtanong. meron kasi ako ngayong textmate at hindi ko alam kung bakit na-i-in-love ata ako sa kanya. pero parang sa kanya, textmate lang kami. parang ginagamit nya lang ako dahil dun sa mga sinasabi nya sa akin. ano kaya ang pwede kong gawin? sana matulungan mo ako.

naghihintay ng sagot,

mark_us28

Salamat mark_us28 at ako ang napili mong pagtanungan. Pasensya ka na at bibira muna ako ng konti. Hindi ko alam kung seseryosohin ko ba minsan ang mga ganitong tanong. Pero sa ngalan ng pagkukwentuhan, sasagutin ko din ng seryoso at ayon sa aking opinion.

           Kung pagbabasihan ko ang ‘yong email, tingin ko eh bata ka pa. Kung nasa tamang edad ka naman sa tingin ko eh “virgin” ka pa pagdating sa relationship. Hindi kasi masydong malinaw kung paano nasabing ginagamit ka lang nya eh kaya pasensya ka na kung hindi din magiging malinaw ang sagot.

         Kung ang ibig mong sabihin sa term mo na “ginagamit” eh hindi sya laging nagtetext, malamang past time ka lang nya talaga. Ibig kong sabihin, hindi sya ‘yung tipo ng babae na pwede mong seryosohin pag nagyaya na mag-eyeball kayo kasi mukhang mamumuti ang ‘yong eyeballs kahihitay sa wala. Hindi naman ako nagtataka kung nai-in-love ka na sa kanya. Madami na din kasi relasyon na nabuo lang sa text at naghiwalay din dahil sa text. Siguro nung mga unang araw ng pagtetext nyo eh nilalandi nilalambing ka pa nya (trivia: ganyan din ang ginagawa ng mga textmates ko dati), kaya siguro nai-in-love ka sa kanya. Imposible naman kasing mai-in-love ka nang walang syang ginagawa pinapakita pinaparamdam sinasabing hindi makalaglag brief.

           Tungkol naman sa tanong mo kung ano ang dapat mong gawin, simple lang ang sagot ko dyan. Wala. Wala kang dapat gawin. Kung magtext sya pwede kang hindi magreply lalo na kung hindi ka nya paload. Para na din siguro maramdaman nya na hindi ka isang A.I. (artificial intelligence) na sasagot ka agad pagtinatanong. Iparamdam mong isang kang tao na may puso na nasasaktan at cellphone na nauubusan ng load. Mas magiging madali ang paglimot mo sa feelings mo sa kanya kung ikaw na mismo ang iiwas na magkaroon pa kayo ng communication. Subukan mong bumista sa mga sites tulad ng www.pinoytextmate.com at www.textmate.org para makakilala ka ng ibang manggagamit manguubos pwede mong maging textmate kung hindi ka marunong makipagusap ng personal.

           Sana ay naliwanagan ka sa mga sagot ko. Inuulit ko lang, lahat ‘yan ay base sa aking opinion. Wala akong intensyong masama. Ang gusto ko lang eh maliwanagan ang nalalabuan mong utak. Kung nalalabuan ka sa mga sagot ko, pakiayos na lang ng tanong sa susunod mong email. Lagi kang welcome na magtanong huwag lang paulit-ulit. Hanggang sa muli!

Ang iyong kwentutero,

Kuya Mao

Kung may tanong ka tungkol sa kahit anong bagay o may kwento kang gustong marinig, magsend ka lang ng email sa dearkuyamao@gmail.com. Gagawan natin ng paraan para ikaw ay maaliw. Hihintayin ko ang email mo! 😀

P.S.

Tumatanggap din tayo ng mga kwento tungkol sa kahit saang bagay. Send nyo lang sa dearkuyamao@gmail.com. Sinisigurado ko ang ’yong privacy kung ‘yun ang gusto mo, huwag lang kalimutan maglagay ng screen name para sa proper credit at para sumikat ng konti.

(Tumatanggap din tayo ng love letters at death threats)

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s