Isang liham sa isang minamahal

Gusto ko lang sanang bigayang daan ang isang email na pinadala ng isa nating katambayan. Hindi ko alam kung ito talaga ang tunay na pangalan ng mga sangkot dito. Wala ding binigay na screen name ang nagpadala kaya kinopya ko na lang. Bahala na kayong magbasa:

Erica,

       Malapit na naman ang Pasko. Naalala na naman kita. Ilang taon na ba ang nakalipas nung huli tayong magkita? Medyo matagal na din pero bakit tuwing ganitong panahon, hindi ko maiwasang sumagi sa isip ko ang mga nakalipas. Parang kahapon lang nangyari ang lahat. Hindi ko alam kung bakit mo ako nagawang iwanan. Masaya naman ang ating pinagsamahan. Siguro nga talagang may mga bagay na hindi para sa atin. Pero masakit pa ring isipin. Hindi ko alam na nung hinatid kita nung gabing ‘yun ang huli ng lahat para sa atin. Huling yakap at huling halik. Yakap at halik ng pamamaalam. Wala na akong narinig sa’yo mula nung gabing ‘yun. Hindi ka na nagreply sa mga text ko. Hindi mo na din sinasagot mga tawag ko. Hindi na tayo nagkita mula noon.

        Naalala ko pa ang matamis na salitang sinabi mo sa akin. Mga salitang puno ng pag-asa at pagmamahal. Hindi ko alam kung saan ako nagkulang. Pero bakit ganun? Parang ang dali lang talikuran sa’yo ng lahat? Bakit parang ang dali mong pinagpalit ang mga masaya nating pinagsamahan? Dahil ba may sasakyan sya? Dahil ba kumakain kayo sa mga fine dining? Dahil ba kung saan-saan kayo nakakapasyal gamit ang sasakyan nya? Dahil ba mayaman sya at ako ay hindi?

           Naalala ko pa nung araw na nakita kitang sumakay sa sasakyan nya. Susopresahin sana kita nu’n dahil matagal na tayong hindi nagkikita. Hindi ka nagre-reply sa akin. Hindi mo rin sinasagot mga tawag ko. Hindi ko alam ako pala ang masusopresa. May dala pa akong roses nu’n at paborito mong chocolate.

           Alam mo ba, parang nalanta bigla ang mga roses na dala ko nu’n. Pati ‘yung chocolate na dala ko, parang biglang natunaw. Kasabay ng pagkalanta at pagkatunaw ng mga dala ko, nabasag at namatay ang aking puso. Masakit ang nakita kong ‘yun. Sa sobrang sakit hindi ko na nagawa pang mag-react. Nakatitig lang ako sa inyong dalawa habang binubuksan nya ang pinto para sa’yo at inaalalayan ka nya pagsakay. Hanggang sa makaalis kayong dalawa, hindi ko pa rin magawang gumalaw. Masakit ang nakita ko. Wala akong nagawa nung araw na ‘yun kundi tumakbo. Tumakbo papalayo sa lugar na ‘yun kahit wala akong siguradong pupuntahan. Walang lumabas na luha kahit gusto kong umiyak. Walang lumabas na boses kahit gusto kong sumigaw. Nararamdaman ko pa din ang sakit tuwing naaalala ko ang araw na ‘yun.

         Siguro nga hindi sapat ang pagmamahal na binigay ko sa’yo. Siguro nga pagod ka na sa paglalakad habang nagkukwentuhan tuwing hinahatid kita sa inyo. Siguro nga sawa ka na sa mga turo-turo at fastfoods na kinakainan natin tuwing lumalabas tayo. Siguro nga pagod ka ng magbyahe tuwing gumagala tayo. Siguro nga ayaw mo na sa mga mumurahing regalo ko sa’yo. Siguro nga hindi ako ang bubuo sa mga pangarap mo.

          Sinusubukan ko pa ring kalimutan hanggang ngayon ang mapait na kahapon. Sinusubukan ko pa ring gamutin ang sugat mula nung araw na ‘yun. Sana maging masaya ka sa piling nya. Sana makakita ako na makakatanggap sa akin kung sino ako. Sana pansinin mo ako pag nagkita ulit tayo. Mag-iingat ka lagi.

Hanggang sa muling pagkikita,

                                                                                               Gerald

 

Salamat Gerald (kung ‘yun nga ang tunay mong pangalan) sa pagpapadala mo ng email. Huwag ka sanang mawalan ng pag-asa sa buhay. Kung ano man ang nakalipas ay tapos na at wala ka ng magagawa para ibalik ‘yun. Gawin mo na lang na maayos ang ‘yong hinaharap.

Masakit kung sa masakit ang nangyari sa’yo pero tapos na ‘yun. Hindi mo na kailangan pang magmukmok dahil dun. Sabi mo nga sa email mo eh medyo matagal na din kayong hindi nagkikita. Iwasan mo na lang siguro na balikan pa ang mga alaala na alam mong magbibigay sa’yo ng sakit. Hindi naman siguro dahil sa may sasakyan ‘yung isa kaya ka nya iniwan. Siguro talaga lang mukhang pera hindi kayo para sa isa’t-isa. Maging lesson sana sa’yo ang nangyari. Gawin mong inspiration para magsikap ka sa buhay mo at mapaunlad ang sarili mo. Para pagnagkita ulit kayo, tsaka nya ma-realize na sana nga eh hindi ka nya ipinagpalit.

Don’t pity your self. Hindi pa katapusan ng mundo nung iwanan ka nya. Hindi sya ang nag-iisang babae sa mundo. Madami pang iba at siguradong makakakita ka ng higit sa kanya. Lumabas ka kasi ng bahay nyo para makisalamuha ng ibang tao. Hayaan mo ipapakilala kita dun sa isa nating tambayers na si itzmehcath baka sakaling kayong dalawa ang magkapalad. Pero ‘yun eh okay lang sa kanya.

Salamat ulit sa pag-se-share mo. Sana ay makapag-move-on ka na para makakilala ka ng ibang babae para sa’yo. Send ka lang ulit ng email kung may gusto ka pang i-share o itanong.

Ang iyong kwentutero,

Kuya Mao

Kung may tanong ka tungkol sa kahit anong bagay o may kwento kang gustong marinig, magsend ka lang ng email sa dearkuyamao@gmail.com. Gagawan natin ng paraan para ikaw ay maaliw. Hihintayin ko ang email mo! 😀

P.S.

Tumatanggap din tayo ng mga kwento tungkol sa kahit saang bagay. Send nyo lang sa dearkuyamao@gmail.com. Sinisigurado ko ang ’yong privacy kung ‘yun ang gusto mo, huwag lang kalimutan maglagay ng screen name para sa proper credit at para sumikat ng konti.

(Tumatanggap din tayo ng love letters at death threats)

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s