It started with a hug…

Magandang araw sa inyo mga katambayers! Nagpadala uli si itzmehcath ng email. Siguro medyo bitin pa sya sa ating kwentuhan nung nakaraan. Ito ang kanyang pindalang email:

dear kuya mao,
 
salamat sa iyong pagtugon at naishare mo ang ilang adventures nyo ng iyong better-half. (buti nakagradute p kayo kahit madalas kayo magmalling) joke… sana maikwento mo din ang lovestory nyo. palagay ko kc exciting.
 
nadaanan ko nga pala ang iyong isinulat na “and they live hapily ever after”. naisip ko lang, asa magpartner nga siguro kung pano  magiging ok ang kanilang pagsasama. dumadaanan din ba kayo ng iyong better-half sa mga pagsubok? ndi ba nagawi din sa isip mo na tapusin na ang inyong relasyon? kapag kc nagbabasa ako ng iyong mga kwento, parang sisiw lang sayo lahat at kaya mong lusutan lahat… kaya nga lubos ang paghanga ko sayo… sana makahanap din ako ng partner na lubos na makakaintindi sa akin..
 
hangang sa susunod na pagtambay sa iyong blog,
 
itzmehcath

Salamat sa pagtambayan mo uli itzmehcath. Medyo mahaba ngayon ang aking kwento (mas mahaba sa nakaraan). Kaya muli kong ina-advice sa’yo na umihi ka muna ulit…

Naka ihi ka na?

Game na!

Gaya nung una kong kinuwento (see:It’s better with your other half than with your self alone), nagsimula kami ng aking labopmylayp bilang magkaibigan. Nagkakilala kami nung highschool. Hindi kami naging magkaklase nu’n pero dahil sikat ako friendly ako, nagkakilala kami. Classmate nya din ‘yung isang kong barkada kaya malimit kami tumambay sa classroom nila. Katekista sya nung highschool at band member naman ako ng simbahan kaya nagkasama kami sa ilang activities para sa youth noon. Asaran lang kami nu’n at dahil medyo petite sya nu’n (trivia: mahilig ako sa mga petite), lagi ka syang inaasar na bansot pero syempre style ko lang ‘yun para maging close kami. May girlfriend ako nung time na ‘yun kaya hanggang pagiging close lang talaga ang mai-o-offer ko sa kanya. Kabanda ko sa simbahan ang girlfriend ko nu’n pero sa ibang school sya pumapasok.

Hindi nagtagal ang relasyon namin ng girlfriend ko nu’n dahil magkalayo nga ata kami ng school at mahilig sya sa hindi gwapo. Dahil para sa akin eh ‘yun ang unang first serious relationship ko, naging masakit sa akin ang break-up namin at ‘yun ang aking unang first major major heartbreak. Dinamdam ko masyado ang nangyari sa akin nu’n. Dumating sa point na parang ayoko ng pumasok sa school. Dahil naging kaibigan ko nga ang aking labopmylayp, nakilala sya ng parents ko. Naging close din kami at naikwento ko sa kanya ang nangyari sa amin nung girlfriend ko. Nung time na nag-break kami nung girlfriend ko nu’n, pumasok sa eksena ang aking labopmylayp.

Isang gabi sa isang youth activity, kasama kami ng mga kabanda ko at syempre kasama aking ex-girlfriend. Medyo nagkaka-ilangan kami kasi sariwa pa ang sugat at isip bata pa talaga ako nu’n. After every set namin nu’n humihiwalay ako sa banda at nagyoyosi lang sa isang tabi (para medyo dramatic ang scene). Lalapit lang ulit ako pagkatapos mga ginagawang activities ng mga youth at malapit na ulit kaming sumalang. Kasama ang labopmylayp ko (pero wala pa kaming relasyon, hindi ko pa sya sinasagot nu’n) sa activity na ‘yun pati ‘yung iba naming mga barkada.

Nung matapos ang activity namin for that day, nagpahinga na kami. Overnight ‘yung activity sa school namin. Nag-aayos na sila ng tulugan nu’n pero humiwalay ako sa kanila. Hindi din ako sumama sa mga barkada ko nu’n Gusto kong makapag-isa para mas madrama. Pumunta ako sa isang madilim na lugar sa school namin. Hindi ko na naisip ‘yung mga nakakatakot na kwento na naririnig ko tungkol sa school namin nung time na ‘yun dahil medyo masakit sa akin ang break-up namin nung girl. Hindi ko alam na sinusundan pala ako ng aking labopmylayp na naging bestfriend ko din nung time na ‘yun. Nakaupo ako nu’n habang nagyoyosi at nakatingin kadiliman ng langit nang may biglang tumawag sa akin mula sa likuran. Si labopmylayp pala. Tiningnan ko lang sya at kahit madilim sa paligid, medyo nakita ko pa rin sya dahil may kaputian sya (trivia uli: mahilig din ako sa maputi). Parang nagrereflect sa kanya ang konting liwanag ng buwan. Tumingala ako sa langit pagkatapos ko syang tingnan. Tumabi sya sa akin. Tinanong nya ako kung okay lang daw ako. Hindi ako nagsalita. Bigla na lang lumabas lahat ng emotions ko nung time na ‘yun. Galit at lungkot at pagmamahal ang naramdaman ko nung time na ‘yun. Pinagsisipa ko ang mga upuan sa tabihan namin sa galit. Tumulo ang luha ko dahil sa lungkot at pagmamahal na naramdaman ko sa girl. Ina-alo ako ng aking labopmylayp nu’n pero lalong umagos ang aking mga luha mula sa aking tear duct, hanggang pati ang sipon ko ay sumabog. Hanggang sa yakapin ako ng aking labopmaylayp at hinagod ang likod. Unti-unti kong pinunasan ang aking mga luha pati na ang aking sipon habang sinasabihan ako ng aking labopmylayp ng mga words of wisdom. Kalmado na ako pero masakit pa rin ang nararamdaman ko.

Dumaan pa ang ilang araw, masakit pa rin ang paghihiwalay namin nung girlfriend ko pero lagi pa ring nasa tabi ko ang aking labopmylayp. Lagi nya pa rin ako pinapasaya. Ilang activities pa ang pinagsamahan namin pero hindi ko napansin na nawala na pala ang sakit. Gumaling na ang mga sugat ng kahapon. Hindi ko alam na nasa harapan ko na pala ang aking pag-asa at ligaya. Hangga sa isa ulit naming activity, bigla ko na lang sinabi sa aking labopmylayp na mahal ko sya. Hindi naman ako napahiya dahil ako lang pala ang hinihintay nyang magsabi. Matagal na pala syang may gusto sa akin.

Naging “kami” nang walang ligawang nangyari pero nung naging “kami” tsaka ko lang sya niligawan. Ganun kasi ang motto ko pagdating sa panliligaw eh. Liligawan kita pag naging “tayo” na. Parang, mahalin mo muna ako kung sino at ano ako, pag minahal mo na ako sa pagiging ako, tsaka ako manunuyo sa’yo. Nakagraduate din ako ng highschool kahit akala ko eh wala na akong pag-asa. Hinabol ko ang mga grades ko sa tulong ng aking labopmylayp.

Pagdating ng college, parehong school ang pinasukan namin pati ang course namin pareho din. Dahil lahi kami ng pikutin, madami pa rin ang nagtangkang umagaw sa akin. May ilang nagtagumpay, may ilan ding hindi. Maraming beses nangyari ‘yun sa aming relasyon dahil kahit anong iwasan ko eh sila ang lapit ng lapit. Sa mga pagkakataong ‘yun, hindi ako iniwan ng aking labopmylayp. Lagi pa rin syang nasa tabi ko. Naintindihan at natanggap nya ang katotohanan na mahirap talagang magmahal ng lahi ng pikutin at artistahin.

Pero hindi lang naman dahil sa third-party ang dahilan ng aming paghihiwalay nu’n. Madalas din ang pride at mga sariling kakulangan na minsan ay hindi talaga matanggap ng bawat isa ang dahilan ng hindi pagkakaintindihan na nagiging dahilan ng paghihiwalay namin nu’n. Pero nagkakabalikan pa rin naman sa huli. Hanggang sa maka-graduate kami ng college at magkaroon ng kanya-kanyang trabaho, hindi pa rin nawala ang mga umaaligid sa akin (sumpa talaga ang pagiging artistahin ko). Madami pa rin mga pagsubok ang dumating sa aming relasyon hanggang sa mag-decide kami na lumagay na sa tahimik.

Matapos ang ilang taon ng aming relasyon bilang magjowa, nagpakasal na kami ng aking labopmylayp. Pero sabi nga, sa una lang daw mahirap ang pag-aasawa, pagtumagal, pahirap na ng pahirap(see: …And they live happily ever after…). Madami pa ring mga pagsubok. Mga simpleng bagay na pinag-aawayan. Mga pagkukulang ng bawat isa na hindi matanggap. Sa ilang beses na hindi pagkakaintindihan, ilang beses na din naming naisip na tapusin na ang lahat. Pero lahat ‘yun ay nalampasan namin dahil pinag-aralan naming intindihin ang isa’t-isa. Isa lang ang naging sekreto namin at gusto kong i-share sa’yo: open-communication. Kung meron kayo nito sa kahit saang relasyon, personal man o trabaho, siguradong magiging matibay kayo. Ito ang sinubukan naming gawin. Nung una mahirap dahil hindi sanay. Hanggang sa madalas akong umuwi ng lasing para lang maging open. Hindi nagtagal eh nagkaayos din kaya ngayon eh ayos din.

Sana ay naging maliwanag sa’yo ang aking kwento. Daan ka lang ulit sa susunod at marami pa tayong pagkukwentuhan. Hanggang sa muli!

Ang iyong kwentutero,

Kuya Mao

Kung meron kayong gustong marinig na kwento o tanong sa buhay-buhay, magpadala lang kayo ng email sa dearkuyamao@gmail.com. Gagawan natin ng paraan para magkaroon ka ng peace of mind. Huwag kalimutang maglagay ng screen name sa’yong email for your privacy.

Kung meron kang kwento tungkol sa kahit sa anong bagay na gusto mong i-share sa ating mga katambayers, ipadala mo lang sa dearkuyamao@gmail.com. Sinisigurado ko sa’yo ang privacy mo pero huwag kalimutang maglagay ng screen name para sa credit.

Hihintayin ko ang email nyo! 😀

P.S.

Natanggap din po kami ng love letters at death threats.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s