…And they lived happily ever after…

Kamusta mga katambayers?! Mangungulit na naman ulit ako sa inyo ngayon! Gusto ko lang sanang bigyang daan ang isang email na pinadala ng isa nating katambayan dito. Nakakatuwa naman dahil meron pa rin palang nagabala na magtanong kay Kuya Mao. Ang email ay galing kay Jane at ito ang kanyang sabi:

dear kuya mao,

nakakaaliw naman ang mga sinusulat mo lalo na ‘yung mga kwento. ayos din ang mga opinion mo sa mga bagay-bagay. hindi ko nga lang alam kung ang mga sinusulat mong kwento dun ay base sa’yong buhay.

anyway, nabasa ko kasi dun sa Kasal.Sakali.Diborsyo. na may asawa ka na pala, gusto ko lang sanang itanong kung mahirap bang mag-asawa?

more power at sana dumami pa ang mambabasa mo dahil nakakaaliw ang mga sinusulat mo.

naghihintay ng iyong sagot,

jane

Salamat Jane sa pagbabasa mo ng mga kwento at opinion dito sa ating tambayan. Sana lang pag napadaan ka ulit, huwag mong kalimutang i-click ‘yung socialvibe :-). Salamat din at ako ang napagtanungan mo kahit alam mong mas maraming mas matinong tao sa paligid mo kesa sa akin.

Tungkol naman sa ‘yung tanong kung mahirap ang mag-asawa, sa una lang ‘yan mahirap. Pag tumagal, pahirap na ng pahirap. Pero kung ako talaga ang tatanungin mo, nasa inyong mag-asawa kung papadaliin nyo ang lahat. Teka, ilang taon ka na ba at gusto mo nang mag-asawa? Baka mamya eh nadede ka pa sa ermat mo. Kung ikaw ay nag-aaral palang, payo ko sa’yo, huwag ka munang mag-aasawa. Kung ikaw naman eh may trabaho na, huwag ka din munang mag-aasawa hangga’t hindi ka pa sigurado at kung hindi ka pa sawa sa’yong buhay — single.

Siguraduhin mo munang handa ka emotionally, physically, mentally, spiritually, financially, lady lee, bruce lee, jet li at lahat na ng may “ly” sa huli, tapos ayos pa ang magiging asawa mo, siguradong hindi mo na itatanong ito sa akin.

Pero kung naitanong mo naman ‘to dahil nabuntis ka nang “hindi sinasadya”, alam kong marami ang magtataas ng kilay pero opinion ko naman ‘to, huwag na huwag kang magpapakasal. Hindi magandang dahilan ang “hindi sinasadyang” pagbubuntis para lang mag-asawa. Hindi kasi ito parang isang mainit na kanin na iyong isusubo at iluluwa pag ika’y napaso. Hipan mo muna bago mo isubo at hintayin mo munang ma-in-in ng konti.

Pero kung iisipin, hindi naman talaga mahirap mag-asawa, mas mahirap maghanap ng mapapang-asawa na magpapapadali ng ‘yong buhay may asawa. May iba dyan, ilang taon ng mag-jowa, ilang taon ng kasal pero naghihiwalay pa din. Ano ang kanilang dahilan? Hindi ko rin alam, hindi naman kasi naikukwento. Pero iba-iba rin kasi ang kanilang mga dahilan at ayoko ng pag-usapan pa dahil parang lumalayo na tayo sa topic natin.

Going back, hindi madali at hindi rin mahirap ang pag-aasawa. Parang trabaho lang ang pag-aasawa. Mahirap sa’yo ang isang trabaho kung hindi mo ‘to trip at kailangan mo lang talagang magtrabaho dahil sa sangkaterbang mga rason. Parang sa pag-aasawa, kailangan mo lang mag-asawa dahil din sa sangkaterbang rason gaya ng “hindi sinasadyang” pagbubuntis. Madali sa’yo ang isang trabaho kung masaya ka, enjoy at ito talaga ang trip mong trabaho. Parang pag-aasawa, madali lang sa’yo ‘to kung sigurado ka na talaga at handa ka na talaga. Gaya ng sabi ko kanina, nasa mag-asawa ang sagot kung magiging madali o mahirap sa kanila ang pag-aasawa.

Sa panahon ngayon, mas mahirap magpakasal kesa mag-asawa. 😀

Sana naliwanagan ka sa mga sagot ko kahit mukhang malabo. Kung may iba ka pang tanong, send ka lang ng email. Salamat ulit at sana’y naliwanagan ka kahit paano.

Ang ‘yong kwentutero,

Kuya Mao

Kung may tanong ka tungkol sa kahit anong bagay o may kwento kang gustong marinig, magsend ka lang ng email sa dearkuyamao@gmail.com. Gagawan natin ng paraan para ikaw ay maaliw. Hihintayin ko ang email mo! 😀

P.S.

Tumatanggap din tayo ng mga kwento tungkol sa kahit saang bagay. Send nyo lang sa dearkuyamao@gmail.com. Sinisigurado ko ang ‘yong privacy kung ‘yun ang gusto mo, huwag lang kalimutan maglagay ng screen name para sa proper credit at para sumikat ng konti.

(Tumatanggap din tayo ng love letters at death threats)

Advertisements

2 thoughts on “…And they lived happily ever after…

  1. jane

    maraming salamat kuya mao sa pagsagot sa aking katanungan. it takes two to tango ika nga, and tama ka na nasa mag-asawa iyon kung papadaliin nila ang buhay nila together as mag-asawa. i believe na handa na ako para sa panibagong chapter ng buhay kong ito. i assure you na hindi ako magpapakasal for some reason other than love. i will marry him dahil i can no longer imagine my self without him, and we want to start a life together na. im lucky to have found my “better-half” and im never gonna let him slip away (ever again) =P

    Sagutin
    1. mikkimao May-akda ng Post

      Salamat din sa’yo jane. Sana nga ay natagpuan mo na ang iyong “better-half”. Hanggad ko ang iyong kaligayahan at sana’y maging masaya kayong dalawa sa inyong pagsasama. May GOD bless you both always… hanggang sa muling pagtambay… 😀

      Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s