Para sa isang kaibigan…

Kaninang madaling araw, habang naglalaro ako ng cartown sa facebook, nag online ang isang kaibigan. Ayos sa isip-isip ko, kasi may makakalaban na ako. Ayos ang una naming takbuhan. Palitan lang kami ng panalo. Dahil magkaibigan kami, natural lang ang asaran. Kanya-kanya kaming pasikatan at payabangan. Na-tripan lang namin tutal dun na lang kami nagkakaasaran. Kasalukuyan kasi syang nasa ibang bansa ngayon para magtrabaho. Nagkataon lang kaninang madaling araw na sabay kaming nag-online.

Matapos ang sampung karera, hindi na ulit kami makapaghamon sa isa’t-isa dahil umabot na pala kami sa limit para sa araw na ‘yun (kung nalalabuan ka kung bakit nangyari ‘yun, try mong maglaro ng cartown sa facebook para malaman mo). Nagsend ako ng message sa kanya para i-try nyang i-challenge nya ako, baka kasi ako lang ang hindi pwedeng humamon sa kanya. May nasabi akong salita sa kanya na para sa akin naman ay expression ko lang. Alam nya naman din siguro ‘yun dahil matagal na kaming magkaibigan. Medyo nagulat ako pero hindi ko na lang pinansin ang naging sagot nyang ito: “medjo masakit nga din”.

Hindi ko binigyan ng ibang kahulugan ang sinabi nyang ‘yun at nagawa ko pa syang biruin. Nagsend pa ulit ako ng ilang message hanggang sa naging sagot nya: “sus…matutulog muna ako…antok na ako”. Hindi na ako sumagot sa reply nyang ‘yun.

Alam ko nasaktan ko ang aking kaibigan dahil sa simpleng expression. Hindi ko lang nagawang mag-sorry agad kanina dahil expression ko lang naman ang sinabi ko sa kanya.

Alam kong nababasa mo ito ngayon…

Pare…

Sorry…

Sorry sa nasabi ko kanina…

Sana makapagkarera pa ulit tayo minsan…

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s