It’s better with your other half than with your self alone

Magandang araw mga katambayers! May nagpadala po ulit ng sulat sa inyong kwentuterong Kuya Mao. Galing po ang email na ito kay itzmehcath. Ito po ang kanyang sabi:

dear kuya mao,
 
hello po..
 
lagi ko pong nadadaanan ang mga kwento mo. madalas napapangiti ako sa mga nababasa ko. naiisip ko minsan ang kulit siguro ng buhay mo gaya ng kakulitan mo sa “The french fries experiment”. sana patuloy ka pang mangaliw ng mga masugid mong mambabasang kagaya ko.
 
bukod po sa mga kakulitan mo, napapaoo din naman ako sa mga opinion mo. lalo na dun sa “Kasal.Sakali.Diborsyo”. maari mo ba kaming kwentuhan tungkol sa adventure nyo ng iyong better-half? kasing kulit b ang french fries experiment ang adventure nyo?
 
naghihintay ng iyong sunod na blog,
itzmehcath…

Salamat sa pagpapadala mo ng email itzmehcath. Salamat at napapadaan ka din minsan dito sa ating tambayan. Salamat din at napapangiti ka minsan at malamang madalas ay hindi. Pasensya ka na at hindi ko alam kung saan mo ako gustong magsimula pero malamang ay sa simula dahil mahirap magbasa ng pabalik. Anyway, ito ang aming kwento. Medyo mahaba kaya pinapayo kong umihi ka muna.

Game ka na?

Game na din ako. Ito na:

Nagsimula kami nung better-half ko bilang magkaibigan. Gaya nang sabi ko sa Ligawan 101, hindi ko sya niligawan nung magkaibigan pa lang kami. In-enjoy lang namin ang friendship namin. Highschool pa lang kami nung magkakilala kami. Saktong galing ako sa madugong break-up, pumasok sya sa eksena. Naaliw ako sa company nya. Bago kami makagraduate ng highschool nun, sinabi ko sa kanya na gusto ko sya. Walang pagaatubiling sinabi nya rin sa akin na gusto nya din ako (ako lang pala ang hinihintay nyang unang magsabi sa kanya). Naging kami bago ang graduation nung highschool.

Madalas kaming sumama nu’n sa mga activities ng simbahan para sa mga kabataan kasi pareho kaming member nu’n. Tumutugtog kasi ako dati sa banda ng simbahan kahit mukha akong myembro ng kulto. Nung college naman, mahilig kaming mag malling. Kasi ‘yung school namin, malapit lang sa mall. Pagtinatamad kaming pumasok, nagagala kami sa mall (babala: huwag gagayahin ng mga estudyante. ang gumaya, bahong utot!).

Dahil nga naging magkaibigan muna kami, ‘yung tropa ko eh tropa nya at ‘yung tropa nya ay tropa ko din. Isa lang ang circle of friends namin since highschool hanggang college.

Nung maka-graduate kami ng college at magkaroon ng kanya kanyang work, pinakilala ko pa din sa kanya ang mga naging kaibigan ko sa trabaho at ganun din sya. Kaya hanggang ngayon kahit gumimik ako kasama mga katrabaho ko, okay lang sa kanya dahil kakilala nya naman ‘yung mga ‘yun at ganun din ako sa kanya. Nung nagtatrabaho na kami, hindi pa kami nagpapasakal kasal nu’n, madalas din kaming gumimik. Kahit anong oras, basta na tripan namin, gumagala kami kahit dis oras ng gabi. Nung nagtrabaho ako sa Makati dati, may madalas kaming tinatambayan dun. Inuman lang na may kainan din. Solb na kami dun. Minsan nga, gumumik kami kasama mga barkada namin nung college tapos me pasok pa ako sa work ko ng 5:00 am, nakauwi yata kami nun 3:00 am na. Naligo lang ako nun tapos pumasok na ulit ako. Kahit bangag ako nung pumasok, ayos lang enjoy din naman. Hanggang ngayon, gumigimik pa din kami minsan kasi para sa amin, dun kami nakakapagbonding. Parang tropa pa din kami pag lumalabas kami.

 Kaya nasabi ko dun sa Kasal.Sakali.Diborsyo. na napakabait at understanding ng aking better-half, dahil sabi nga nung iba kong kakilala na pinatahimik na ng kanilang mga asawa lumagay na sa tahimik kasama ang kanilang mga asawa, mabuti pa raw ako at nakakagimik pa din. Sabi ko na lang; “Sorry boys, solong anak kasi si mylabopmylayp eh kaya wala na kayong makikitang tulad nya”.

Hanggang dito na lang muna siguro itzmehcath dahil hindi ko alam kung may sense pa ang kinukwento ko. Kung nalabuan ka, tanong ka lang ulit. Pasensya ka na at hindi ko masyadong naintindihan ang ibig sabihin mo dun sa “adventures” namin ng better-half ko. Pakilinaw mo lang para maikwento ko sa’yo ng ayos. 😀

Ang iyong kwentutero,

Kuya Mao

Para sa ibang mga tambayers natin dyan na may mga gustong itanong tungkol sa kahit anong bagay o kung may gusto kayong marinig na kwento, magpadala lang ng email sa dearkuyamao@gmail.com.

Salamat sa inyong pagtambay! 😀

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s