Ligawan 101

Katulad nung napagusapan natin nung nakaraan, magkukwento naman ako ngayon tungkol sa ligawan. Mga diskarteng pwede mong magamit (kung ikaw ay lalaki) at pwedeng gamitin sa’yo (kung ikaw ay babae).

Sa pagtakbo ng panahon, madami ng nagbago sa panliligaw natin. Kung titingnan mo ang iskarte ng mga sinaunang tao at mga new generation. Dati kung manliligaw ka, dapat sa bahay. Ngayon kahit sa text o facebook na lang pwede ka nang manligaw. Na kung titingnan mo eh pangit kasi mas maganda pa rin talaga kung personal kang ligawan at sa bahay ka man ligaw. Kasi pwedeng sa facebook lang kayong maging mag-jowa pagnagkataon o sa text lang akyo may relasyon.

Personally, hindi ako naniniwala sa ligawan na ‘yan. Simple lang sa akin lahat ng bagay. Kung gusto kita at gusto mo din ako, tapos na. Mag-jowa na tayo. Pero syempre, lahat ay nagsisimula muna sa pagkakaibigan para hindi masyadong masakit kung sa pagkakaibigan lang din ang kababagsakan. Kunga pagkatapos ng ilang taon nyong pagkakaibigan at naramdaman nyo talagang “special” ang isa’t-isa, tsaka kayo magdecide kung kelangan nyo nang lumagay sa tahimik maging mag-jowa.

Ang ligaw kasi para sa akin ay para lang pakikipagplastikan. Gumagawa ka ng paraan para magustuhan ka ng isang taong nagugustuhan mo. Ginagawa mo lang ‘yun para magustuhan ka nya. Mga bagay na hindi mo naman talaga karaniwang ginagawa. Ibig sabihin nagpapakaplastic ka sa sarili mo at sa nililigawan mo para lang magustuhan ka nya. Ganun lang ka simple. Kaya maganda talaga kung sa pagkakaibigan kayo magsisimula at least naturally, lalabas ang pagkagusto nyo sa isa’t-isa.

Sa tingin ko, ligaw din ang dahilan kung bakit marami ang naghihiwalay. Kasi pagdating ng panahon, sasabihin nila, hindi ganun ‘yung lalaki nung nanliligaw pa lang sya at hindi daw ganun ang babae nung nililigawan pa sya. Malamang nga. Kasi nga kailangan nyang magpa-impress. Kailangan nyang mahuli ang loob mo kaya kailangan nyang maging mabait. Pero kung naging magkaibigan muna kayo, lalabas ang natural na ugali ng isang tao at dun mo malalaman kung magkakagusto ka sa kanya o hindi.

Sabi ko nga sa nililigawan ko dati, “Kapag naging “tayo” na, saka kita liligawan.” 😀

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s