Ishkul Bhukel

Meron nang pumatos sa advertisment natin kahapon. May email sender tayo na nagtatanong tungkol sa akin. Tunghayan natin ang kanyang email.


Dear Kuya Mao,


Isang mapagpalang araw sa’yo. Gusto ko lang sana itanong kong nag-aral ka din dati. Kung oo ang sagot mo, bakit ganyan ang mga sulat mo?


Lubos na gumagalang,


                                                                                                            Tse_rie


Salamat sa pagtatanong mo Tse_rie. Maganda ang screen name mo ha. Katulad mo, nag-aral din ako, kung napasok ka pa sa school. Sa isang exclusive school na pangmayaman ako dati pumasok pero ‘yun ay imagination ko lang. Nung elementary ako, sa public school ako pumasok. Nung highschool, sa Catholic school na pinatatakbo ng mga sisters (madre) at nung college ay mga brothers (kuya?) naman ang school ko. Pre-law ang course ko nu’n kaya medyo may alam din ako sa batas (hindi ko alam kung bakit ko pa sinabi sa’yo eh hindi mo naman tinatanong).


Tungkol naman sa tanong mo kung bakit ganito ang mga sulat ko, hindi ko alam kung ano ang ibig mong sabihin. Malamang ay hindi ‘yung hand-writing ko ang tinutukoy mo dahil encoded ang sulat dito. Malamang tungkol sa theme ‘yun kaya ito na ang sagot ko matapos ang mahabang introduction. Simple lang. dahil ‘yun ang lumalabas sa makulit kong utak at ‘yun ang gusto kong ikwento sa’yo at sa iba pang natambay dito. Kung ano lang ang opinion ko sa mga bagay-bagay, ‘yun lang ang sinasabi ko. Kung may naisip ako na tingin ko ay makakapagbigay aliw sa iba, ‘yun ang sinusulat ko. Kasi kaya ka nga nakikipagkwentuhan minsan dahil gusto mong maaliw, makakuha ng impormasyon, magpalipas oras o makipagpalitan ng kuro-kuro tungkol sa kung anu-anong bagay.


Sana nasagot ko ang mga tanong mo at kung may iba ka pang tanong, padala ka lang ulit ng email. Salamat ng marami! :-D


 


Kung meron din kayong mga tanong tunkol sa kahit anong bagay, mag send lang kayo ng email sa dearkuyamao@gmail.com. Sasagutin ko po ang mga tanong nyo sa abot ng aking makakaya. Hihintayin ko ang mga email nyo! Salamat ng marami! :-D

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s