Gregorio Francisco

Nung nakaraang araw, ginulat tayo ng isang balita na may isang new born baby na iniwan sa basurahan sa loob ng isang eroplano. Isa itong nakakabahalang balita para sa akin. Kung iisipin mo, paano nakaya ng isang ina na iwan ang kanyang anak sa isang basurahan na karaniwan na nating nababalitaan.

Sa Lungsod ng Maynila, may ipinatayong libingan para sa mga unborn child si dating Mayor/DENR Secretary Lito “Tatay ni Kuya Kim” Atienza. Kasama ang Rachel’s’ Support Group, isang grupo ng mga volunteers na dumaranas ng post abortion syndrome, itinayo nila ang “Tomb for the Unborn”. Dahil siguro madaming clinic na nag-o-offer ng abortion sa lungsod kaya nagtayo sila ng libingan para sa mga biktima.

Ang kaso ng natagpuang baby sa loob ng basurahan ng eroplano ay kakaiba. Biruin mo, galing syang Bahrain (Bahrain-Manila ang ruta ng eroplano) tapos inilabas nya yung bata at inilagay pa sa basurahan. Napaisip tuloy ako kung paano nya nagawa ‘yun at paano nya naputol ang pusod nito?

Siguradong hindi ito ang unang pagkakataon na may sanggol na inabandona sa loob ng eroplano. At siguradong hindi ito ang unang pagkakataon na may inabandonang bata. Halos araw-araw nang laman ng balita ang mga ganitong kaso. Ang mahirap nakakapagtaka lang dito eh kung bakit nila ito nagagawa.

Sabi nga ng Simbahang Katoliko, hindi natin dapat kundinahin ang mga ina na gumagawa nito, kailangan ay intindihin natin sila dahil maaring may mabigat silang dahilan kung bakit nila nagawa ito. Isa na dun ay ang “kakatihan” (para sa iba) at “kahihiyan” (sa iba pa). Kailangan din nating ipaunawa sa kanila na kung dumating man sa punto na nabuntis sila ng hindi hindi inaasahan, may mga organisasyon na maaring tumulong sa kanila para ampunin ang mga bata kung kinakailangan huwag lang ipa-abort o iwanan basta-basta.

Dahil sa pangyayaring ito, maraming issue ang nagtaasan at marami ring mga tanong na lumabas. Isa na ako sa magtatanong.

Kung ang ina ni “George Francis” ay isang OFW at biktima ng rape sa ibang bansa, gaya ng sinasabi sa balita kaya napilitang iwanan ang baby sa eroplano dahil sa kahihiyan, bakit hindi ito inaaksyonan ng gobyerno? Hindi ko siguro matatangap o nang iba, kung ang sagot nila ay hindi alam ng gobyerno na may biktima pala ng rape sa ibang bansa na mga Pilipina. Kung dito nga sa Pinas mismo eh may mga biktima, sa ibang bansa pa kaya? Hindi kaya mas magiging kahihiya-hiya ang ina ni “George Francis” pag nakilala na sya?

Sa tingin mo? Sino ba talaga ang may mali sa pangyayaring ito? Ang ina ni “George Francis”, ang gobyerno o ang society natin na masyadong mapanghusga at puno ng makikitid ang utak?

Siguro all of the above ang sagot mo… 🙂

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s