Worst Words Countdown

Madaling araw na hindi pa rin ako makatulog kaya habang hinihintay kong bisitahin ako ng antok, gumawa muna ako ng walang kakwentakwentang countdown na karaniwang ginagaawa ng mga taong walang magawa tulad nito.

Naisip ko na tungkol sa mga masasakit na salita na narinig ko na sinabi sa akin o sa ibang tao na narinig ko lang ang gagawin ko kasi wala akong maisip na magandang kakaiba kaya pagtsagaan mo muna. (note: Ang mga sumusunod na mga salita ay ayon sa aking opinion. Hindi kita pinipigilang gumawa ng sarili mong countdown katulad nito kung sa tinging mo eh mababaw lang ang mga salitang mababasa mo dito.)

Number 10: “At least nag-sorry ako.” – Ayos na sana eh kaya lang halatang pilit. Parang mas maganda pa na hindi ka nag-sorry noh?!

No. 9: “May karapatan ba ako” – Worst ‘to para sa akin kasi ang baduy ng salitang ‘to. Karaniwan kong naririnig sa mga nagliligawan. Parang tinatanong nung kabit ‘yung kinakabitan nya eh.

No. 8: “Pwede ba akong manligaw” – Isa pa rin na naririnig ko sa manliligaw. Hindi ko alam kung bakit kailangan pang itanong. Bakit hindi na lang gawin? Sa susunod na kwentuhan natin magbibigay ako ng mga tips para sa mga gustong manligaw.

No. 7: “I Love You, Goodbye” – Parang pelikula lang noh?! Ito ata ang isa sa kalokohang salita na narinig ko na hindi ko talaga kayang paniwalaan. Buti na lang at walang nagsasabi nito sa akin baka nasampal ko ng isang malakas lakas kasi para sa akin parang napakaimposibleng masabi mo tio sa isang tao eh. Tanong: Kung talagang mahal mo ang isang tao, sasabihan mo ba sya ng ganito? Idi-discuss din natin ito sa sunod nating kwentuhan.

No. 6: “Ayos ka sana kaso hindi kita type” – Wow! Sampal ‘yun sa’yo lalo na kung sa tingin mo naman eh may histura ka naman. Kaya lang malas mo dahil hindi ka nya type. Baka kabaro nya gusto nya.

No. 5: “Kalimutan mo na ako” – Ayos ‘to! Lalo na kung ang nagsabi nito sa’yo eh matagal mo nang kakilala. ‘Yung tipong childhood swwetheart mo pa. Parang kulang na lang sabihin nya eh kalimutan mo na kung sino ka.

No. 4: “Kalimutan mo na ang usapan natin” – Parang tulad lang din nung No. 5 pero kakaiba lang ng konti lalo na kung ang usapan nyo eh tungkol sa pagtatanan nyo. Ayos lang sana kung tungkol sa utang mo sa kanya eh, kahit siguro hindi nya sabihin eh kakalimutan mo na talaga, pero kung tipong it’s a matter of life and death, ibang usapan na ‘yun.

No. 3: “Friends na lang tayo” – Kung sa akin ‘to sasabihin ayos lang. Kailangan pagnaririnig ko ‘to sa iba sinasabi eh hindi ko alam kung maaawa ako dun sa sinasabihan eh. Tapos makikita ko pa na maluha-luha na. Tuwing naririnig ko ito sa iba eh, naiisip kong madadagdagan na naman ang mga “emo” sa mundo.

No. 2: “You were not a friend, textmate ka lang!” – ‘Yun na! Patay sila dyan ngayon! Parang dialogue lang sa pelikula pero narinig ko na ito sa totoong buhay. Parang sinabihan ka din na wala kang kwenta. Pero ang makulit dito, nung nalaman ko ‘yung buong kwento, ‘yun pa lang nagsabi nito ang unang nag-text dun sa sinabihan nya. Labo.

No. 1: “Ayaw kitang maging kaibigan” – Basag ka dyan! Kung ‘yung No. 2, ayos lang eh kasi at least friends pa rin kayo, eh ito? Yari ka ngayon dyan! Biruin kahit kaibigan ayaw nya pa din? ewan ko lang kung makasurvive ka pa dyan. Nakakakiliti lang din sa utak ‘yung salitang ‘to kasi para ka namang kriminal para ayaw ka ng taong ‘to.

Yan ang mga naisip kong “worst” words para sa akin. Tulad nga nang sabi ko kanina, opinion ko lang ‘yan. Kung magkaiba tayo ng opinion, ayos lang gawa ka ng sarili mo tapos palitan tayo para mas makulit.

Paalala mo na lang sa akin ‘yung gusto mong pagusapan natin sa susunod nating kwentuhan. Lagay mo na lang sa comment. Salamat sa pagtambay! 😀

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s