That 90’s OPM Rock Songs

Nung dekada nubenta, nagsulputan ang mga magagaling na banda sa bansa. Isa ito sa panahon na hindi pa masyadong talamak ang piratahan ng mga cd’s dahil hindi pa ito uso nu’n. Kahit mga pirated na cassette tape noon hindi pa masyadong uso. Mura pa ang mga cassette tape nu’n kaya mas sulit pa rin talaga na bumili ka ng original na album.

Dito sa Pinas, sinasabing Juan Dela Cruz Band ang nagpauso ng pinoy rock n’ roll. Kaya kung tatanungin mo ‘yung mga banda nung 90’s kung sino ang naging influence nila, isa sa isasagot nila ang Juan Dela Cruz Band. Kahit ako ang tatanungin mo, sasabihin kong Juan Dela Cruz din ang isang naging influence namin nung mga kabanda ko nung highschool. Kahit disband na sila nung panahon na tumutugtog kami, nakadiskarte pa rin ‘yung isa kong kabanda ng cassette nung banda para masepra namin yung chords nila. Wala kaming makita chords nung mga kanta nila kaya mano-manong seprahan ang ginawa. Ayos din. Medyo pasok din ng konti, inayos na lang namin yung areglo nung mga kanta nila para maganda pa rin ang tunog. Laging kasama sa set namin ‘yung “Teachers Enemy No.1”, “No Touch” at “Kahit Na Anong Mangyari”. Siguro dahil nagrereflect sa amin ‘tong mga kantang ‘to nung highschool kami.

Tulad nung ibang kabataan nung 90’s, isa sa pinakauna kong tape na nabili nu’n eh ‘yung unang album ng E’heads — grade 3 pa lang ako nu’n. Hindi ko sila kilala nu’n. Hindi ko pa rin alam ang mga kanta nila nu’n. Minsang nagmall kami ng ermat ko, bumili sya nung album ni Sharon Cuneta, dahil nainggit ako sa kanya, bigla ko na lang kinuha ‘yung Ultramagneticpop na album ng E’heads dahil napinsin ko na walang sapatos si Raymund dun sa cover kaya mukhang astig ‘yun. Binili ko tapos pinakinggan sa bahay. After ilang araw, narinig ko sila radio and as they always say, the rest is history.

Isa sa pinaka peyburit kong band op ol taym ay ang Parokya Ni Edgar. Ito talaga ang gustong-gusto kong banda. Seryoso na medyo maloko kasi ang mga kanta nila eh. Tulad nga nang lagi nilang sinasabi, ayaw nilang ikinukumpara sila sa ibang bands dahil bad daw ‘yun kaya hindi ko din sila pwedeng ikumpara sa E’heads. ‘Yung unang album din nila na Khangkungkhernitz ang nabili ko nu’n at hindi ko pa din naririnig ‘yung kanta nila nu’n (napansin mo bang mahilig akong bumili ng album kahit hindi ko kilala kung sino?). Pero dahil makulit ang mga kanta nila nu’u, madali kong nagustuhan hanggang sa kino-cover na namin ang mga kanta nila nung highschool ako. Minsan ginagamit pa namin ng mga kabanda ko ‘yung kanta nila pagnanliligaw kami nu’n.

Madami malulupit na banda nung 90’s tulad ng Yano, The Teeth, The Youth, Wuds, Razorback, Rizal Underground, Agaw Agimat at marami pang iba na malamang ay hindi mo kilala. Nga pala para maalala mo lang sila, para sa’yo…

 

 

 

Keep on Rockin’ Guys!!! \m/ 😀

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s