NNK

Naalala nya kaya nung araw na nagtapat ako ng pag-ibig sa kanya? Hindi ko alam kung paano ko sinabi pero basta na lang lumabas sa aking bibig. Sabi nya lang eh gusto nya rin ako pero parang ayaw nya ng commitment. Walang problema, sa loob-loob ko. Ayos lang. Basta masaya ako pagmagkasama kami. Parang kami na hindi. Ayos na ‘yun.

Naalala nya kaya yung unang pagkakataon na natikman nya ang matamis at malambot kong labi? Pinakanta nya pa ako noon bago ko sya pinahalik. Sulit na sya sa akin dahil hindi na ako nakapalag. At nasundan pa ang mga ganung pagkakataon. Naisip ko, hindi na sya lugi.

Naalala nya kaya nung minsang kumain kami sa may ihawan at uminom ng gulaman habang nakatingala sa langit at pinagmamasadan ang takbo ng mga ulap na sumusunod sa hangin? Kakaiba ang trip naming iyon pero ayos lang. Nabusog kami pareho sa kinain namin at sa mga ulap na pinanood namin.

Naalala nya kaya nung sa unang pagkakataon ay nagpahatid sya sa akin pauwi at nakahiling pa sya sa akin ng halik? Pagkatapos ng klase namin ay nagkayayaang tumabay muna at magkwentuhan. Pagkatapos ay inalok ko syang ihatid at pumayag naman sya. Akala ko eh kuntento na sya dahil inihatid ko na sya pero nagulat ako nung humiling sya ng yakap at isang matamis na halik. 😀

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s