Hanging Lamig

Lumalakas at medyo lumalamig ang hangin tuwing papasok ang buwan ng September. Katulad nung una kong naikwento sa’yo (see Time to Celebrate), isa pa sa naaalala ko ay ang pagpasok ng Pista ng mga Patay. Tuwing November 1, maraming handa sa bahay ng mga lola ko dahil isinasabay na sa handa ang kanyang birthday (pero hindi sya pinanganak ng November 1). Dahil tuwing ganitong araw, pumupunta dun ang kanyang mga apo at anak. Parang family reunion pero hindi. Bukod sa tradisyonal na kakanin, meron din mga pang fiesta na handa tulad ng hamon at roasted turkey (walang pakialaman ng handa dahil naghahanda kami ng ganito tuwing fiesta). Kaya bago kami pumunta ng sementeryo (pagminsan eh pagkagaling), diretso kami sa bahay ng mga lola para makikain.

Bukod sa mala-fiestang handaan ng lola, naalala ko din ang mga episode ng MGB (Magandang Gabi Ba?) na nawala na ngayon sa ere. Isa ito sa inaabangan ko lagi tuwing “Undas”. Nung panahon ni dating V.P. Kabayan, gustong-gusto ko ‘tong panoorin kasi maganda ‘yung “effects” ng mga segments lalo na sa simula. ‘Yung makikita mo si Kabayab na biglang lalabas galing sa makapal na usok tapos pati make-up nya ang husay din. sa sobrang galing minsan napapagkamalan mo syang bangkay ng galing sa hukay. Lagi pa kaming nagmamadali pag-uwi noon galing sementeryo dahil baka hindi namin maabutan yung simula ng programa. May handa na kaming kumot sa harap ng t.v. para pag may biglang bumulagang mumu, nakahanda na rin kami para magtalukbong. Hindi ko rin alam kung bakit trip na trip ko yung palabas na yun pero hindi ko naman halos matapos noon dahil sa takot. Pero nung nasa elementary pa ako nun ‘yun. Nung highschool na ako, pagkatapos manood ng MGB, lalabas kami sa kalye ng mga barkada ko para ihanda ang mga “scarecrow” namin. Trip lang namin maglagay nun sa daan tapos titingnan namin ang reaksyon ng mga makakakita. Yung iba natatakot yung iba naman hindi ko alam kung manhid o nagtatapangtapangan. Pero ayos din, masaya na kami ng ganun. At bago maghiwahiwalay, ipapaalala muna namin sa isa’t-isa ang mga segment ng MGB para mabilis makauwi (dahil sa takot, nagtakbuhan pauwi).

Para sa mga nakalimot na sa mga episode ng MGB tuwing Araw ng mga Patay, ito ang handog ko sa inyo… enjoy…

Wala na akong makitang episode ni Kabayan eh kaya yung next generation na lang ang nilagay ko. Sana makatulog ka mamyang gabi pagkatapos mong panoorin ‘to. Lakihan mo na lang ang dipa mo para hindi ka malunok ng mumu. 😀

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s