NNK

Naalala nya kaya nung nag-shift ako ng course noon dahil hindi ko trip ang una kong course at naisip ko kasi na first year pa lang naman kami? Nagshift ako nang course nun matapos akong mapagtripan ng isang prof. Hindi ko din naman masydong trip ang course ko nung una kaya pagdating ng 2nd year, nagshift na ako. Ayos ang nilipatan kong course dahil cool naman ang mga kaklase ko. Lagi pa rin naman kaming nagkikita dahil pareho ang school naming pinapasukan.

Naalala nya kaya nung sinundo ko sya minsan sa kanyang classroom at niyayang tumambay? Naunang natapos ang klase ko nun at dahil tinatamad pa akong umuwi, naisipan kong hintayin na sya. Nagkayayaan kaming kumain at tumambay. Kwentuhan lang kami ng kwentuhan hanggang ang oras ay hindi namin namalayan. Kailangan na pala naming mag-uwian. Gaya ng dati, hindi na naman sya nagpahatid. Pero ayos lang dahil madami naman kaming napagkwentuhan.

Naalala kaya nya kung paano ko sya tinitigan nung minsang magkasalubong kami sa may lobby ng school? Tinitigan ko syang mabuti dahil hindi ko alam kung bakit parang may kakaiba sa kanya. Hindi ko alam at hindi ko maipaliwanag kung ano. Basta may parang dramatic effect pa nung nakita ko sya. Nagbatian lang kami dahil papunta pa lang ako sa klase sya naman ay pauwi na. Matapos ang ilang araw, tsaka lang ulit kami nagkita.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s