H.I.V. Positive

Alam mo ba ang ibig sabihin ng H.I.V.? Hindi yung sakit ha. Yung “Hair Is Vanishing”. Isang lumang joke na matagal ng umiikot sa barangay namin. Bata pa ako nung una ko ‘tong narinig. Binitawan lang ito nung pinsan ko nung minsang magkakasama kami. Nagtawanan ang mga kasama namin nun kaya nakitawa na lang ako kahit hindi ko alam ang ibig sabihin nun. Nito ko na lang nalaman ang ibig sabihin nun kaya pinauso ko ulit sa barkadahan namin para magmukha akong “cool”. Medyo manipis na ang buhok ng isa naming barkada kaya sakto yung banat ko kahit luma na. Syempre dahil mga kaibigan ko sila, tumawa naman sila kahit alam kung dun sa pangasar na tawa nung isa naming kaibigan sila natawa. Dahil laging nagpapakalbo ang kaibigan kong ‘yun at lagi pang naka-cap, mabilis numipis ang kanyang buhok.

Madaming lalaki ang nakakaranas ng pagnipis ng buhok. At sinasabing ito daw ay heriditary o namamana. Tulad ng highblood, diabetis, hika at circulan — nasa dugo lang yan. Pero madami na ring sulosyon sa pagnipis ng buhok tulad ng hair implant o pagtatanim ng buhok. Naiisip ko tuloy kung saan may “hair farm”. Siguro hinaharvest din nila ito sa Farmville. Meron ding mga gamot na para kumapal ulit ang buhok. Merong oral o iniinom at meron ding pinapahid na solution sa ulo. Minsan ay nasa sachet or roll-on. Marami ding term para sa pagnipis ng buhok. Tulad ng mga sumusunod: mataas ang hair line, lumalapad ang noo, nakakasilaw ang noo, lumalapad ang paliparan ng kuto at marami pang iba na pwede kang itawag.

Pero sabi nga ng barkada ko, ayos na daw sa kanya ang kanyang buhok. Kung sabagay nga, meron ngang mga nagpapakalbo talaga. Tsaka mas presko pagkalbo ka. Hindi ka na mamumublema sa balakubak o sa kuto. Hindi mo na kailangan magsuklay at tipid na kayo sa shampoo. Hindi mo na din kailangang magpagupit buwan-buwan at marami pang magagandang dahilan, ikaw na lang ang magdagdag.

Ngayon medyo manipis na talaga ang buhok nung barkada ko pero bagay naman sa kanya. Nagmukha syang tao ng kaunti. Ito ang patunay:

Joke lang. Baka magalit ang barkada ko. Sabihin naman nya eh hindi ko na sya iginalang. Tingnan dito ang kanyang tunay na picture.

Pero hindi lang naman ang kaibigan ko ang nakakaranas ng pagnipis ng buhok. Kahit ako eh medyo manipis na din ang buhok. Ito ang aking picture:

Joke lang ulit. Long hair na ako ngayon. Salamat sa binili kong roll-on na pampahaba ng buhok. Paki tingnan dito ang aking latest picture. 😀

Advertisements

One thought on “H.I.V. Positive

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s