Naalala Nya Kaya? (NNK)

Naalala nya kaya nung una kaming magkita? Sobrang tahimik nya sa klase nun. Wala syang ibang kaibigan. Mukha syang outcast. Meron syang salamin, mahaba ang tuwid na buhok, petite at mukhang anemic.

Naalala nya kaya nung una ko syang kinausap? Sobrang tipid nyang sumagot nun. Isang tanong isang sagot. Siguro nun lang sya nakakita ng isang taong artistahin at gwapong tulad ko na mabait, honest at palakaibigan. Matipid kahit ang kanyang ngiti. Mahina ang kanyang boses. Ayaw nya din ipakita ang kanyang mga ngipin na sabi nya eh para daw palakol. Nung tiningnan ko eh hindi naman. Mukha lang gulok na walang talim.

Naalala nya kaya nung una ko syang ayaing tumambay pagkatapos ng klase? Nagkayayaan lang kami nung tumamabay. Tutal maaga pa naman. Kwentuhan lang kami ng kung anu-ano. Tawa nga sya ng tawa nun na parang hinihika eh. Masarap syang kausap. Madami kaming napagkwentuhan.

Naalala nya kaya nung inalok ko sya na ihahatid ko na sya pauwi pero sabi nya na huwag na daw dahil kaya nya naman daw ang kanyang sarili kaya isinakay ko na lang sya ng tricycle at tinanaw ang kanyang sinasakyan habang katext ko pa din sya? Sumakay na sya nang tricycle nun. Ako naman nag-aabang na ng jeep. Mag-ka-text pa din kami. Kwentuhan at kulitan pa rin. Hanggang makarating sya sa kanila. Hanggang makarating ako sa amin. Hanggang sa magpaalaman na kami para matulog. 😀

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s