Kasal. Sakali. Diborsyo.

Nakakatuwa ang isa kong pinsan na ikinasal nito lang nakaraan. Parang biglaan din ang kasal nyang yun. Tumawag lang ako sa kanya minsan dahil gusto ko syang yayaing mag-out-of-town at dahil ilang buwan na din kaming hindi nagkikita. Close din kami kahit matanda sya ng two years sa akin. Lagi kasing kaming magkasama tuwing bakasyon nung mga bata pa kami. Nung lumaki na kami, sa kalokohan naman kami madalas magkasama. So, yun na nga tinawagan ko sya. Sabi nya agad sa akin na, “Pinsan, ikakasal na nga pala ako sa katapusan”. Tinanong ko syang kung dun pa rin sa huling babaeng pinakilala nya sa akin. Sabi nya oo daw. Dahil din siguro over the phone nya lang sinabi sa akin, naitanong ko kung buntis na at magpapakasal sya. Natawa lang sya at sabi nya sa akin eh hindi naman daw kelangan eh buntis para magpakasal. Sabi ko eh biglaan kasi kaya naitanong ko lang. So, inulit nya lang ang sagot nya na hindi na daw.

Naalala ko tuloy yung  isang kinuwento sa akin. Meron daw isang babae na nagpaalam sa kanyang ama na magpapakasal na sya. Nagtaka ang ama at tinanong kung buntis na ang babae. Hindi naman daw sya buntis sabi ng anak. Sabi ng ama nya hindi na daw tinatanggap ngayon sa simbahan ang nagpapakasal nang hindi buntis. Natawa na lang ako.

Nung araw ng kasal ng pinsan ko, nakita ko yung mapapang-asawa nya. Tama ang hula mo —- buntis nga. Nakikiuso.

Nung nagkita kami nang pinsan ko sa kasal nya, tinanong ko sya kung sigurado na ba talaga sya. Sabi nya oo daw. Wala na akong nagawa.

Bago ako ikasal noon, ganito din ang tanong sa akin ng pinsan kong ito. Dahil naniwala ako sa ikinuwento ko sa’yo kanina, nakiuso ako. Mahirap na baka palabasin kami ng simbahan eh. Wala na ring atrasan noon. Sumugod ako sa gyera kahit wala akong sandata. Natapos ang kasal. Ngayon, maswerte dahil buhay pa. Ang pinakamasarap pa sa nangyari, hindi pala gyera ang pinuntahan ko — heaven. Hindi dahil sa iniisip mo kundi dahil alam kong wala na akong mahahanap na kasing bait at kasing understanding ng aking better-half. Salamat sa kay Papa Lord at pinagtagpo kami. Swerte talaga ng aking labopmaylayp at napikot natagpuan nya ako.

Mabalik tayo sa pinsan ko. Ayos ang sermon ng pastor na nagkasal sa kanila (tama! Christian wedding). Hindi daw dahil lang sa mga materyal na bagay kaya nagsasama ng mag-asawa at hindi lang din dapat ito ang magpaikot sa kanila kundi ang pagmamahal nila sa isa’t-isa at ang pagmamahal nila sa Diyos. Hindi lang din daw dahil sa nag-away sila kung sino ang maghuhugas at sinong magluluto at lalong dapat ay hindi daw dahil sa pera ang magiging rason kung bakit sila maghihiwalay.

Nung sinabi yun nung pastor, naalala ko ang isang isyu na isinusulong ng kung sino na gusto gawing batas — ito ang divorce. Nabuhay ulit ang isang lumang isyu. Ilang araw matapos kong marinig ang isyu tungkol sa  pagsusulong para maging batas ang abortion.

Para sa ating kaalaman, ang divorce at annulment ay magkaiba. Ang annulment ay pag-sasawalang bisa ng kasal samantalang ang divorce ay pagdidisolve ng kasal o ang pagsasabi na wala talagang kasalang nangyari. Alam naman nating lahat na may annulment dito sa Pinas. Pero hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pang isabatas ang divorce? Kung gust mong makipaghiwalay sa asawa mo at magpakasal ulit, magpa-annul ka. Pero kung gusto mong maging binata ulit, magkipag-divorce ka. Ang pinagkaiba lang nila ay ang legal reponsibility mo sa anak mo. Iba pa rin ang legal separation sa annulment. Ang legal separation ay paghihiwalay nyo lang ng asawa mo pero hindi kayo pwedeng magpakasal sa iba.

Ngayon sa tingin mo, bakit kelangan pa ng divorce kung meron nang annulment? Dahil siguro kung divorced ka, binata/dalaga ka na ulit at kung annuled ka lang pwede ka na lang magpakasal ulit pero may sabit ka pa din, gets?

Siguro din dahil mas gusto nang ibang babae/lalaki na “single” ang kanilang magiging asawa. Mag-ingat ka pag nakasal kayo nyan. Malamang dahil kasal ka na eh may tendency na hiwalayan ka yan dahil hindi ka na “single”. Isang kalokohan na hindi ko alam kung bakit marami pa rin ang naniniwala.

Sabi nga nung prof ko nung college dahil naitanong din sa kanya ito (pre-law nga pala course ko nun). Sabi nya, “Bakit natin kailangan ng divorce? Para sa mga gustong maghiwalay? Nagpakasal ka ba para makipaghiwalay? Hindi naman nagpapakasal ang dalawang tao para maghiwalay di ba? Kung ganun ang pananaw mo, huwag ka ng magpakasal.”

Tama talaga si Atty. Sir Dean ng College of Law ng dati kong school. 😀

Advertisements

2 thoughts on “Kasal. Sakali. Diborsyo.

  1. Sphere

    isang malaking korek tol! hindi nga naman nagpapakasal ang dalawang tao para maghiwalay lng 🙂 naalala ko 2loy yong sa bubble gang dati noon daw nagpapakasal dahil nagmamahalan tlga ngayon daw kaya nagpapakasal dahil buntis na yung babae 🙂

    napadaan lng 🙂

    Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s