Subliminal Message

Nung isang linggo, Napanood ko sa HBO ang This Is It ni Michael Jackson. Eto yung parang documentary rehearsal nung last concert na sana na last year sa London na This Is It din ang title. Hindi ko na inabutan sa sinehan buti na lang meron pa sa t.v. Maganda yung documentary at mas maganda pa siguro kung natuloy yung concert. Maganda yung line-up nung mga kanta at magagaling yung back-up dancers nya. Pinakita sa documentary na yun kung gaano ka professional si MJ at kung gaano sya ka-passionate sa music. Pati mga maliliit na detalye sa mga kanta nya ay binubusisi lalo na ang beat. Isa syang music genius.

Pinakita din dun ang mga message ng iba nyang kanta. Tulad nung “Man in the mirror” at “Earth Song”. Tungkol ito sa pagprotekta ng environment natin na obvious naman dun sa isang title at yun isa naman eh isyu ng discrimintion at kaguluhan sa mga bansa ang tema. Malalim din talaga ang mga story ng mga kanta nya na hindi tulad ng ibang rap songs na puro tungkol lang sa kayabangan kagalingan nila ang tema. Tulad nung isang kanta ni MJ na “Gone too soon” na kinanta din ni Usher nung araw ng libing nya. Para ito kay Ryan White na nagkaroon ng HIV sa murang edad. Na-expelled sya sa school dahil infected sya nang nasabing virus ( may isyu pa pala ng discrimination). Naging kaibigan sya ni MJ at namatay din sya edad na 18.

para sa Inang Kalikasan…

 

para sa ‘sang libutan…

at para kayRyan.

Kung akala mo eh si MJ lang ang alam kong may mga ganung kanta at ang karamihan ay mellow lang ang may magagandang tema, tama ka, mali nga ang sasabihin ko. (alam kong medyo na guluhan ka sa bandang ito, kahit ako.)

Meron pang malupit na banda na magaganda ang tema na kanta nila. Eto yung FLYLEAF. Narinig mo na siguro sila pero baka hindi mo pa alam kwento sa likod ng mga kanta nila. Upo ka at makinig.

Hindi lahat ng kanta nila eh sasabihin ko ang kwento dahil hindi ko alam yung kwento ng iba at ilan lang ang nakita kong mas interesting. Nagsimula ang grupo nila nung 2000 bilang “Passerby”. At maniwala ka man o manalig, Christians sila. Kaya halos lahat ng kanta nila eh about faith. Kahit mabigat ang mga riffs nila, maganda pa rin ang message nung mga kanta.

Ma-i-share ko lang yung isa nilang kanta. Ang title nito ay Cassie. Ginawa ito ni Lacey, vocalist ng Flyleaf, para kay Cassie Bernall na isang sa mga biktima sa Columbine Highschool Massacre noong 1999. Bawat line nang kantang ito eh nagpapahiwatig sa faith ni Cassie kay God. Dahil ayon sa libro ni Misty Bernall, ermat ni Cassie, na “She said YES”, tinanong daw ng isa sa dalawang suspect si Cassie kung naniniwala sya kay GOD. Walang kagatolgatol na sumagot ng oo si Cassie at binaril sya sa ulo. Ang isa pa nilang kanta na ang title ay “Tina”. Tungkol naman sa isang babae na galing sa isang broken family. Sinabi nya sa sarili nya na pag nagkaroon sya ng pamilya, ayaw nyang matulad iyon sa pamilya nila. Pero nung nag-asawa si Tina naging naranasan nya ulit ang naranasan nya nung bata sya. Ang ginawa nya, naligo sya ng gasolina at sinindihan nya ang kanyang sarili. Habang nasusunog sya, nagdasal sya kay GOD na sana eh mawala na ang nararamdaman nyang sakit at hirap at nawalan na sya ng malay. Nung maging sya, nasa hospital na sya. Dun nya naramdaman na mahal sya ni GOD dahil wala na ang nararamdaman nyang sakit. Mula noon, sinabi nya sa sarili nya na ide-dedicate nya ang kanyang buhay sa pagsisilbi kay GOD.

Ang dalawang story na iyong natunghayan ay galing lamang sa isang banda. Marami pa rin namang mga artist na magaganda ang tema ng musika nila.

kanta para kay tina

 

eto kay cassie

 

(subliminal message successfully inserted)

😀

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s