Time to Celebrate

It’s “BER” month na naman. Madami sa atin ang naghihintay ng panahon na ito. Lalo na ang mga nagtitinda ng mga christmas lights at christmas gift wrappers dahil matumal ang kanilang produkto pag hindi malapit magpasko. Katulad kahapon habang papunta ako sa isang kaibigan. Meron akong nadaan na tindahan ng mga christmas lights na iba-iba ang figures at colors. Unang linggo pa lang ng September eh, nagsulputan na ang mga ganitong tinda. Sabagay, maganda nga namang tingnan ang mga ganitong parol habang nasa byahe ka.

Tuwing sasapit ang ganitong buwan, marami din ang mga nagsusulputang snatchers at holdupers. Hindi ko alam kung peak season din ito para sa kanila pero mas mataas ang rate ng ganitong krimen tuwing ganitong buwan at malamang eh alam nyo na ang dahilan.

Humahaba din ang araw kapag ganitong buwan pati na rin ang gabi. Late na gumigising si araw at late na din pumalit sa kanya ang karelyebo nyang si buwan. Hindi ko alam kung may personal silang away kaya naggagantihan sa palitan nila ng duty o ginagawan nila ng paraan ang DTR nila kaya hindi sila nasisita ng opisina nila. Kasabay ng paghaba ng araw at gabi, humahaba din ang pasko ng mga pilipino na alam kong matagal nyo na ring alam.

Pero sa akin, siguro gaya ng nakararami, ito ang pinakagusto kong panahon. Ito kasi ang simula ng mga very long weekend sa city namin. Magsisimula  ng December 24 ang holiday sa city namin at maswerte pag nagdeclare pa ng holiday tuwing 26th ng December dahil bisperas ng fiesta sa amin. Dahil 26 ay bisperas, malamang holiday ang 27 dahil ito ang kapistahan ng mahal naming patron na si San Juan Ebanghelista. Kapag swerteng tumapat ng biyernes ang fiesta, siguradong madaming mamimista dahil very long weekend na ang sunod ng mga araw. (hindi ko na siguro kailagan pang sabihin kung bakit, marunong ka naman atang magbilang)

Tuwing ganito ding buwan, tuwang-tuwa ang mga bata dahil puro malulutong na naman ang kanilang mapapamaskuhan. Pero minsan, badtrip din ang malulutong na pera lalo na kung sa fastfood ka nagtatrabaho o sa mga mall dahil karaniwan na sa kanila ang malutong na pera tuwing ganitong panahon. At hindi madaling bilangin ang mga yun dahil minsan ay madulas at nagdidikit-dikit pa. 

Masaya ang ganitong panahon. Kasi lumalabas ang mga pera ng tao tuwing ganitong panahon. Bumabait ang mga kumpanya na nagbibigay ng bonus sa mga empleyado nila, tulad ng keso de bola, hamon o mga grocery pack para sa noche buena. Pati mga pulitiko eh bumabait din. Nagbibigay ng mga grocery pack na mukhang relief goods. At mas masaya ang mga tao lalo na kung ang ibibigay sa kanila eh monetary bonus.

Masarap din ang ganitong panahon dahil nagkakabati ang mga magkakagalit (na hindi ko alam kung bakit kailangan pang hintayin ang pasko para magkabati.) Nagkakabalikan ang mga nagbebreak (na hindi ko alam kung ba’t nagbreak p.) at madami pang ibang mga dahilan kung bakit masarap at masaya ang panahon na ito. At alam kong alam mo na din ang mga dahilan kung bakit.

Pero alam naman nating lahat kung bakit tayo nagsecelebrate ng pasko. At kung bakit tuwing papasok ang ng September eh nagiging excited lahat. Dahil din tuwing sasapit ang ganitong panahon ay mas maraming magaganda at mabubuting bagay ang nangyayari sa buhay natin. Sabi nga; “sana araw-araw ay pasko.” 😀

(something to inspire us all.)

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s