The French Fries Experiment

Nung isang linggo, habang nagpapalipas ng oras, pumasyal ako sa youtube.com. Habang naghahanap ng ibang mapapanood bukod sa mga kantang parang videoke, may natisod akong isang channel.

Isa syang documentary experiment ng mga kanong wala din sigurong magawa sa buhay. Bumili sila ng mga sandwiches at fries ng isang sikat na fastfood chain. Nilagay nila sa garapon ang mga pagkain na yun at tiningnan nila kung ano ang mga physical changes na mangyayari sa mga darating na linggo.

Sa loob ng dalwang linggo, may nagbago na sa ibang sandwiches. Nagkaroon na ng molds ang iba. Ang iba naman eh parang may liquid discharge na lumabas mula sa patties. Pero ang french fries, mukhang bagong bili, hindi na nga lang mainit.

Weeks after weeks, kumalat ang mga molds sa mga sandwiches at nag-emit na din ng foul discharge ang patties. Hind ko naman naamoy pero sabi yun nung lalaki sa video kaya naniwala na lang din ako. Pero ang french fries, mukhang bago pa rin — kulang lang sa init.

Umabot ata ng 10 weeks yung experiment. Hindi ako sigurado kaya eto yung link: http://www.youtube.com/watch?v=j-ljW5YEdao . Pakipanood mo na lang din.

Medyo alarming din yung experiment kasi after mong mapanood yun, mapapaisip ka talaga kung bakit mukhang bago pa rin ang french fries kahit hindi mainit at hindi naman laba sa Ariel Oxybleach.

Hindi ko rin maiwasang maikumpara ang experiment na yun sa experiment ko sa sarili ko. Sa ngalan ng science, ilang araw akong hindi nagtoothbrush at more on spices pa ang kinakain ko. Nun isang araw, balot curry. Tapos kanina, sardines with pickled onion. Naiisip ko, ganito siguro yung lasa nung mga sandwiches sa experiment. Laging lasang bibig ng bagong gising ang bibig ko eh. Pagkalipas ng limang araw kong torture experiment sa sarili ko, nagtoothbrush na ulit ako.

After two days kong mapanood ang video na yun, nagpadeliver ako sa fastfood na yun. Dun ko lang napatunayan na pag gutom ka pala eh pwede mong makalimutan ang masasamang nakaraan. 😀

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s