“Ayun, masaya naman sya.”

“Ayun, masaya naman sya.” Ito ang favorite expression nya. She usually say this. Everytime na magkukwento sya, she’ll end up her story with this line. Everytime there’s silence between our conversations, she’ll crack this up. This line usually opens a new topic for us. It’s like a punchline for her.

Matagal na kaming magkaibigan ni Julia. Malapit lang ang bahay namin sa kanila. Nung bago kaming lipat dito, sya ang una kong naging kaibigan. We went at the same school from highschool to college. Siguro kung hindi nga lang magkaiba ang course namin baka magkasama kami sa work. We were like inseperable then. Kahit meron kaming kanya-kanyang relationships, we still find time to stop and have a small talk every once in a while. We’re updating each other about where we’ve been or what we’ve been doing lately. We’re that close.

We have the same group of friends. Minsan nga they’re trying to make an item out of us. Pero alam namin pareho ni Julia na hindi kami pwedeng umabot dun. Mga tipo ko kasi simple lang, okay lang kahit mayaman basta mabait. Pwede na ang seksi basta maganda. Ayos lang kung maputi basta matalino. Simple lang. Ang mga tipo naman nya eh yung matangkad, mabait, may sense of humor, singkit, medyo mataba,kalbo at honest. Kabaligtaran ko lahat yun except sa pagiging mabait at honest.

When I first saw her, I felt something for her. Hindi ko lang pinansin kasi natatakot ako na mabasted kasi first time ko yun kung nagkataon. I just enjoyed our friendship. Naisip ko din na baka mailang sya pag nalaman nya na may gusto ako sa kanya. Dahil na rin siguro sa mga naging relarionships ko, nakalimutan ko na ang feelings ko para sa kanya.

After school nun, madalas kaming tumambay sa park malapit sa barangay namin. Dun kami madalas magkwentuhan ng kung anu-ano. We’re exchanging opinions, share our dreams and fears. We talked about everything under the sun. At pagkatapos ng bawat kwento, lagi nyang sasabihin, “ayun, masaya naman sya” or “ayun, masaya naman sila”.

Ngayon, nagwowork na kami sa magkaibang company, bihira na kaming magkita. Dumadaan ako sa kanila pag minsan pero hindi ko sya inaabutan. Tinetext ko sya minsan pero hindi sya nagrereply. Dun ko naramdaman na there’s something missing in me. Parang may kulang.

Napadaan ako minsan sa park after work. Naupo ako sa dati naming inuupuan. Parang bumalik ulit ang lahat. Parang nakikita ko pa kaming dalawa habang nagtatawan papalapit sa upuan na yun. Andun pa yung sinulat kong pangalan namin ng girlfriend ko nun pati yung sinulat nya na pangalan nila ng boyfriend nya nun. Parang naririnig ko pa ang hikbi nya habang naiyak sya at nakayakap sa akin. Niloko sya nung boyfriend nya nung 3rd year college kami. Naalala ko bigla yung panyo ko na pinahiram sa kanya pagkatapos kong punasan ang kanyang mga luha. Masyado syang nasaktan dahil dun. Hindi nya pinapakita ang kanyang kalungkutan pero alam kong malungkot pa rin sya. Simula nun,hindi ko na narinig yung, “ayun, masaya naman sya.” mula sa kanya.

Habang tumatakbo sa utak ko ang mga eksenang yun, naramdaman ko ulit kung gaano ako nasaktan nung araw na yun. Hindi ko alam kung dahil kaibigan ko sya o dahil meron pang ibang dahilan. Hindi ko alam. At ngayon, pakatapos ng mahabang panahon,parang bumalik ulit ang feelings na naramdaman ko when I first saw her. I knew it! I love her all along. Kaya siguro walang tumagal na more than two months sa mga relationships ko. Alam kong hindi ko na kayang lokohin pa ang sarili ko. Kailangan ko ng sabihin sa kanya kung ano man ang nararamdaman ko. Hindi na baleng mabasted, atleast nasabi ko na. Still hoping na may mangyaring maganda.

Umalis ako ng park na yun at dumeretso sa bahay nila. Malayo layo pa ako sa kanila, may nakita akong nakaparadang sasakyan sa labas ng bahay nila. May bisita ata sila. Okay lang sabi ko sa sarili ko. Sa labas ko na lang sya kakausapin tsaka kilala naman ako sa kanila eh.

Saktong nasa tapat na ako ng bahay nila ng bumukas ang kanilang gate. Lumabas sya kasunod ang isang lalaki. Kasunod din nila ang kanyang parents. Binati nya ako at ipinakilala sa lalaking kasama nya. Bumati din ako at nakipagkamay sa lalaki.

Wrong timing pala ako.

Kakain pala sila sa labas ng lalaking kasama nya kasama ang parents nya.

At ikakasal na din pala sya — sa lalaking kasama nya.

I was left there standing. Hindi ko na nasabi ang gusto kong sabihin sa kanya. Mga bagay na dapat ay matagal ko nang sinabi. Pero wala na akong magagawa. Being happy for her and being her friend is all I can do now.

Naktingin pa rin ako sa kanilang sinasakyan  hanggang makaliko sila sa may kanto.

“Ayun, masaya naman sya.” Yun na lang ang nasabi ko sa sarili ko.

Advertisements

4 thoughts on ““Ayun, masaya naman sya.”

  1. jane

    kaya nga dapat, at habang may panahon pa ay sinasabi na natin kung gaano kahalaga ang isang tao sa atin… coz we can never tell how long we’re given that chance,the chance that could change our lives forever.

    Sagutin

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s