The Taking of Hong Thai Tourist Bus

Napanood mo na ba ang “The Taking of Pelham 123”? Napakagandang pelikula ni Denzel Washington at John Travolta. Nang maganap ang isang hostage crisis kaninang umaga sa Quirino Grandstand, bigla kong naalala ang pelikulang ito. Hindi ko maiwasang maikumpara ang naging kilos ng mga pulis na rumesponde sa hostage crisis kanina at sa mga pulis sa pelikula.

Maaring sabihin ng iba na kaya magkaiba ang pagresponde eh dahil pelikula iyon at iba kapag sa totoong buhay. Maaring tama sila. Pero pede rin naman sigurong gawin ng mga kapulisan natin ang ginawa sa pelikula di ba? Maaring may mapulot silang diskarte dun.

Para maging realistic ang isang pelikula, nagreresearch din sila tungkol sa mga eksena at kung pano nila iaarte iyon. Kaya pede ring malapit sa katotohanan ang mga eksena sa pelikulang iyon. Medyo madugo din ang mga eksena sa Pelham 123, pero dahil medyo bayolente ang character ni John Travolta doon. Samantalang si Insp. Mendoza ay may kooperasyon pa noong una sa mga pulis hanggang sa pwersahang damputin ang kanyang kapatid na si Gregorio Mendoza, na nagprovoke sa kanya para maging bayolente.

Kinakabahan din ako kanina habang pinapanood sa t.v. ang nangyayari. Feeling ko pelikula lang din. Iniisip ko na pelikula lang dahil naaawa ako sa mga buhay na maaaring mawala dahil sa kapabayaan ng ilan. Inisip kong pelikula lang dahil umaasa pa ako na matatapos ang lahat ng walang mawawalang buhay dahil sa kooperasyon ng suspect. Maaaring mali ang paraan nya para marinig ang mga hinaing nya pero bakit hindi sya pinakinggan?

Apat na biktima agad ang patay, isa ang nasa critical condition at may ilang under observation. Napatay din ang hostage taker na si Insp. Rolando Mendoza. Natapos ang dalawang istorya ng hostage taking na namatay ang mga hostage taker. Pero naiwasan sana ang pagkamatay ng mga biktima sa hostage crisis na nangyari kanina kung naki-cooperate lang din ang mga pulis sa suspek.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s