Hostage Drama Anthology

Ayos din ang nangyaring hostage taking na ito sa may Quirino Grandstand. Mahigit 11 hours na ang nakakalipas nung nagsimula ito. Nagsimula ito kaninang pasado 10 ng umaga. Noong 2007, meron na ding ganitong eksena.

March 28,2007 nung hinostage ni Jun Ducat ang isang tourist bus kung saan sakay ang may 26 estudyante at 2 teacher ng kanyang day care center sa Tondo, Maynila. Sa harap mismo ng Manila City Hall ipinarada ang bus at doon nagkaroon ng 10 hours standoff. Ang demand nya lang naman noon eh magkaroon ng scholarship ang kanyang mga estudyante. Sumuko ng ayos si Jun Ducat. Pagkatapos ng tatlong taon,tinupad naman ang pangko sa kanya ng mga negotiators. Simple lang ang demand nya noon, magkaroon ng magandang kinabukasan ang kanyang mga estudyante.

Kaninang pasado 10 ng umaga, nagsimula uli ang isa na namang hostage taking ng bus at sa may Quirino Grandstand ito nangyari, na malapit lang sa Manila City Hall. Madugo ang naging pagtatapos ng hostage drama na ito. Ilang hostages ang napatay at pati ang hostage taker na si Insp. Rolando Mendoza ay napatay din.

Hindi ko alam kung sino ang dapat sisihin sa madugong pagtatapos na ito. Hindi man ako isang expert sa ganitong eksena, napansin ko lang na isa sa naging dahilan kung bakit lumala ang sitwasyon eh nung dinampot ang kapatid ni Insp. Mendoza, Si Gregorio Mendoza na isa ding pulis. Pero dahil kapwa pulis na nila ang umaresto kay Gregorio Mendoza, alam nya siguro na may kalalagyan sya at alam na din ni Insp. Mendoza kung ano ang maaaring mangyari sa kanyang kapatid. Tingin ko kung hindi pwersahang dinampot si Gregorio, hindi hahantong sa isang madugong wakas ang hostage drama na ito.

Madaming pagkukulang sa parte ng pulis kaya siguro naging madugo ang pagtatapos nito. Madaming demands ang hostage taker pero ilan lang ang naibigay. Siguro dapat hangga’t walang pinapatay ang hostage taker, sumusunod pa rin sila sa mga demands ng suspect dahil may wager sya, ang mga hostages nya. Kung titingnan mo logicaly, madami ang pagkakamali ng mga pulis at malamang eh sampal na naman sa kanila yan.

Pero positibo pa rin ang pananaw ko na kahit pagkatapos ng scandal tungkol sa police brutality sa isang presinto sa Tondo at itong katatapos lang na madugong hostage drama, meron pa ring mga matitinong pulis. Meron pa ring mga tumutupad sa kanilang tungkulin at meron pa ring mga gumagamit ng utak sa mga sitwasyong gaya nito.

Kahit sa tourism ng bansa positibo pa rin ang pananaw ko. Ilang beses na bang may nakidnap na turista dito sa Pinas? Hindi rin ito ang unang pagkakataon na may hinostage na turista. At hindi lang din Pinoy ang nanghohostage dito sa Pinas, pati foreigner marunong ding manghostage. Hindi dahil sa pangyayaring ito eh magiging mahina ang tourism sa atin. Maaari pa nga na medyo tumaas ang tourism rate natin. Pwede na ring gawing tourist spot ang Quirino Grandstand ngayon. At pati mga thrill seekers eh maaring dumagsa dito. Isipin mo kung gaano kabilis ang adrenalin rush mo kung hinostage ka.

Kinilabutan din ako sa mga napanood kong eksena sa t.v. kaugnay sa nangyaring hostage drama. Pero positibo pa rin ako na malalampasan ito ng Pinas at hindi ito basta-basta makakasira sa ating imahe dahil Pinoy tayo. Positibo rin ako na mananalo si Venus Raj sa Ms. Universe. 🙂

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s