Self-Expression, taking you to next dimension

Ang self-expression ay iba-iba ang porma, may gumagawa ng kanta, tula, love letter at nagsusulat ng walang kwentang article tungkol sa self-expression tulad nito. Pero kahit ano pa ang isulat mo, sa kahit anong porma o paraan, self-expression pa rin yun. Kahit simpleng paraan ng pagsusulat sa mga lamesa sa foodcourt ng mga mall, sa C.R. ng eskwelahan, sa upuan ng bus, sa kapirasong papel at sa pader, self-expression pa rin yun. Mga karaniwang ginagawa ng mga karaniwang tao na ang gusto lang naman ay maisambulat ang nararamdaman nila.

Kung minsan, ito ang outlet ng ibang tao para masabi ang saloobin nila at madalas ay ganun na nga. Halimbawa, isang torpeng manliligaw, nagawa sya ng loveletter para sa nililigawan nya pero pahirapan pa rin kung paano nya maiibigay iyon kasi nga torpe sya. Kung medyo malakas naman ang loob, tula naman ang banat nya. Syempre medyo maangas na sya sa pag gawa ng tula. Kung may kumpyansa na sya sa sarili nya at sarili na lang din nya ang nagpapalakas ng loob nya, at may pagkahilig sa musika, kanta naman ang ginagawa nya at magkakaalaman pa kung maganda ang tono, pasok ang lyrics at makalaglag panty ang boses. Sa puntong ito, maayos na nyang ma-e-express ang sarili nya. Pero kung wala sa mga nabanggit ang ginawa ng manliligaw, malamang sa upuan na lang ng bus at sa lamesa sya nagsusulat ng saloobin nya.

Pero madalas sa hindi, at madalas pa din, may mga tao na hindi nila na-e-express ng maayos ang kanilang mga sarili. Kaya madalas din sa hindi at madalas nga din, namimis-interpret sila o kung ano man ang gusto nilang sabihin. At ito ay kadalsang problema ng mga pulitiko, dahil sa ganda ng mga talumpati nila tuwing kampanyahan eh pagnanakaw lang pala sa kaban ng bayan ang gusto nilang gawin. Pero meron din naman na may kakaibang istilo ng self-expression. Ito ay pagsunog sa mga sinulat na mga kanta at tula na gawa nila, na bagay din sa mga article na gaya nito.

Kalimitan, ganito ang ginagawa ng mga taong nababasted ng kanilang nililigawan. Dahil sa sobrang sama ng loob at gustong makalimot agad, sinusunog na lang ang kanilang mga “obra”. Ito din ang ginagawa ng mga mag-jowa nagbreak. Para makalimutan ang mga mapapait na kahapon, sinusunog nila ang mga bakas ng nakaraan. Pero ‘yun ang pagkakamali nila. Hindi nila alam na mas masarap basahin ang mga nakalipas na sulat lalo na kung nung elementary o highschool days pa nila ‘yun.  Mapapatawa na lang sila sa kanilang pinagsusulat at mga sinabi sa kanila. Pero depende pa din ‘yun sa tao. Meron din kasi na nagiging escape goat nila ‘yun. Para kasi sa kanila, mas magiging madali ang paglimot kung wala nang bakas ang kahapon.

Naalala ko tuloy yung mga sulat ko dati na hindi na naipadala sa dating nililigwan. Tuwing nababasa ko ‘yun, natatawa na lang ako. Hindi ko kasi alam na nasabi ko ang mga bagay na nakasulat dun. Pero hindi ko na babanggitin pa dahil baka pagtawanan mo lang din ako. Masaya naman lalo na at napapag-usapan sa barkadahan, kasi madami pa namang may ganung love letters eh. Yung mga tula at kanta lang ang kakaiba. Kasi may sukat ang mga ito at ritmo. Maliban na lang kung hindi ka marunong gumawa ng tula o kanta.

Naalala ko na naman yung dati kong notebook ng mga tula at kwentong hango sa tunay na buhay ko pero iniba ko lang ang pangalan. May laman din yun na mga quotes sa text na nauso sa mga kabataan o sa akin lang yata nauso. Sayang nga lang at nawala na ang “time capsule” kong ‘yun.  Pagkatapos lang yata ng limang buwan pagkatapos kong mapuno iyon eh nawala na. ‘Yung mga tulang tungkol na lang sa gitara at yung isang kwento sa dating nililigawan ang tanda kong nakasulat doon. Pero hindi ko na tanda ang eksaktong salita kaya hindi ko na ulit maisulat.

Pero meron din akong naisulat noon na sinunog (o pinasunog). Para syang isang diary pero ilang pages lang ng notebook ‘yun. Lahat ng naramdaman ko sa loob ng limang araw sa isang bahay bakasyunan, isinulat ko doon. Pero hindi ‘yun tungkol sa mga espiritong nagpaparamdam sa bahay bakasyunan na iyon, kundi mga naramdaman ko sa takbo ng buhay ko nung mga panahong iyon. Ayos din, masarap ang pakiramdam pagkatapos. Pero nanghinayang din ako kasi bukal sa loob ko ang mga isinulat ko doon at malamang sa hindi eh, hindi ko na ulit mararamdaman yung mga yun.

Karaniwan na sa pagsusulat yung mga saloobin mo ang sinusulat mo dahil walang ibang mas interesanteng bagay kundi ang sarili mo. Yung tipong biography pero hindi. Parang sanaysanay pero hindi. Self-expression lang. Letting out your emotions. Shouting out what you really feel in a piece of paper.

Natutunan ko ding gumawa ng kanta bilang self-expression. Isa din sa mga paborito kong gawin. Lahat naman yata ng mga musikero eh ito ang ginawa to express themselves. Expressing themselves through music. Ito ang isang masarap na gawin dahil pwede kang sumigaw depende sa kanta mo. Pwedeng mellow lang din. Depende sa message ng kanta mo. Pero may nauuso ngayon na genre. Ito ang “emo”. Kung saan ang mga tragic lyrics ay sinasabayan ng medyo rock na melody. Pero isa pa ring self-expression yun na minsan ay sinasamahan pa nang pagsu-suicide ng ibang nakikinig. Sila ‘yung mga taong umabot na sa sukdulan ang self-expression at ang pinakamalupit na nilang kayang gawin sa buhay nila ay wakasan.

Pero ang pangit ng ganun kaya kung ikaw ay mahilig din sa mga emo songs, payo ko sa’yo, just enjoy the music, enjoy your life ‘coz there are many ways to express your self clearly. 🙂

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s